Quantcast
Channel: Blog, Poetry and Notion
Viewing all 240 articles
Browse latest View live

Psst...Paalam

$
0
0
Matagal-tagal din kitang nakasama.
Nandoon ka sa panahong ayaw kong mapag-isa.
Nagpakupkop noong nabalot ng lungkot.
Nagpa-ampon, maibsan lang pangamba't takot.

Kinitil mo ang ilang aking pag-alala.
Ngayon'y ibibilang na kita sa aking alaala.
Lahat nga ng bagay ay may hangganan.
At oo, ito na ang ating katapusan.

Salamat sa pulot-gata noong nakatirik ang araw.
Salamat sa tag-ulan, sa ating pagtampisaw.
Salamat sa pakikinig, sa nagpipilit kong tinig.
Salamat sa pang-unawa at sa nakadaupang-bisig.

Binasag ng hinala ang sagradong tiwala.
Hinalay ng dila ang payapa sanang diwa.
Gumuhit ang sugat hanggang kaluluwa.
Pumunit ng kaligayahan, nanuot hanggang kadiliman.


Wala nang dahilan upang ikaw ay makaniig.
'Di mo na maiibsan ang uhaw ko ng 'yong tubig.
Wala nang libog akong nadarama.
'Di na tatalab ang 'yong halina at gayuma.


Tutungo ako sa kung saan ko naisin.
At 'wag nang tangkaing sumunod pa sa akin.
Estranghero na ang pagturing ko sa'yo.

Landas mo't landas ko'y 'di na magkapareho.

What makes you lonely

$
0
0



Ang kalungkutan at kapighatian ay bahagi ng ating buhay katulad ng pagkagalak at kaligayahan at ng tagumpay at kabiguan. Minsan kahit anong pilit mong magpakahinahon o mag-isip ng mga bagay na positibo hindi pa rin maitatanggi ang lungkot na nakikita sa ating mga mata. Kung maikubli mo man sa mga tao ang hapis at kalungkutan tiyak na sa pagsapit ng gabi o sa panahong ikaw na lang mag-isa mas mararamdaman mo ang kapighatiang ito.
Hindi masama ang paminsan-minsang pagpapakita ng kalungkutan, ang masama ay ang patuloy na hinahayaan  mo ang iyong sarili na malunod sa labis na kalungkutan. Ang lahat ng bagay ay may hangganan kabilang na ang ating pagdadalamhati ngunit kung mas ninanais mong yakapin ang kalungkutan hindi ka niya pakakawalan, kung patuloy mong hahagkan ang kapighatian malamang na tumungo ito sa hindi mo namamalayang desperasyon at depresyon.

Bakit ba malungkot ang tao?
Kawalan ba ng pera ba ang dahilan nito?
Kung gayon bakit ang mga mayayaman ay nakakaranas din ng parehong kalungkutan?
May iba't ibang dahilan ang kalungkutan hindi lang ito pera, hindi lang kayamanan, hindi lang karangyaan. Kung ito lang ang dahilan, sana walang mayaman na malungkot at walang dukhang masiyahin, walang mayamang nagpapatiwakal at walang mahirap na wagas kung makalahakhak.

Kung nakakaranas ka ngayon ng kalungkutan 'wag kang mag-alala hindi lang ikaw ang may ganitong nararamdaman, kung pakiramdam mo pasan mo ang buong daigdig sa bigat ng iyong problema pagmasdan mo ang iyong paligid at makikita mong mas maganda pa ang buhay mo kaysa sa iba.
Kung may problema ka, mayroon din ang iba pero kahit gaano pa man kabigat ang isang suliranin hindi pa rin ito dahilan para bawiin ang sarili mong buhay, lahat tayo ay dito papunta kaya 'wag muna magmadali.

Ano-ano ba ang dahilan para malugmok sa kalungkutan ang isang tao?
Ano-ano ba ang naghahatid sa kanya para makaranas siya ng labis na kapighatian?

Ang mga sumusunod ay ilang mga kadahilanan kung bakit ang tao'y nakararanas ng matinding lungkot. Kung malungkot ka ngayon malamang nasa ibaba ang dahilan kung bakit mo ito nararanasan at nararamdaman.

Sin - anuman ang estado mo sa buhay, mayaman ka man o mahirap kung mayroon kang guilt feeling sa nagawa/ginagawa mong kasalanan mararamdaman mo ang lungkot na ito at kahit na anong pagkukunwari o tamis ng iyong ngiting inihaharap sa mga tao hindi mo ito maitatago sa iyong sarili. Sa kadahilanang pagprotekta sa inaalagaang pangalan at dignidad o sa kahihiyang dulot nito kung sakaling mabunyag ang kasalanan ay pilit itong nililihim at pinagtatakpan. Sa kabila ng mga pagtatakip sa mga kasalanang ito, kung may konsyensyang natitira pa sa pagkatao mo ay makakaramdam ka ng kakaibang kalungkutan magpapahirap sa iyong kalooban.

Envy - minsan hindi namang maiiwasang makaranas ng inggit natural lang itong nararamdaman ng common tao; may mga tao pa ngang ginagawa itong motibasyon para magsumikap. Ang masama ay ang mayroon ka ng labis-labis na inggit sa katawan at kung mayroon ka nito hindi ka magiging masaya para sa ibang tao at para sa sarili mo mismo. Kung mayroon kang nakikitang ibang taong higit na nakaa-angat sa iyo; sa aspekto ng hitsura, sa yaman, sa talino, sa talento, sa galing, sa trabaho, sa sweldo, sa katungkulan, sa gadget at sa iba pa. Limitado ang iyong kasiyahan kung mayroon kang inggit sa katawan dahil kaiinisan mo ang bawat kilos, galaw at sasabihin ng (mga) taong iyong labis na kinaiinggitan, kasinungalingan para sa'yo ang bawat bibitiwan niyang salita, (kahit walang sapat na batayan) may bahid ng kalokohan ang kanyang pag-asenso o walang husay para sa'yo ang kanyang galing at talento dahil mas naghahari ang ispiritu ng inggit sa iyong puso. Ang pagkainggit na ito ay katumbas ng kalungkutan na isip lang natin ang may pakana.

Anger - it is an emotion that makes your mouth work faster than your brain.
Kakambal ng galit ang lungkot dahil hindi mawawala ang lungkot kung may galit ang iyong puso. Wala kang pagkakataong mag-isip ng matino, walang preno mong sasabihin ang anumang nais mong sabihin at hindi ka nag-aalala kung mayroon mang ibang taong masasaktan; malapit man ito sa'yo o hindi. Ito ang tanging emosyon na walang pagkakataong makapasok ang kaligayahan sa iyong puso kahit na kaunti, kahit pakunwari. Ang emosyong ito ang kadalasang nagpapahamak sa taong mayroon nito. Tandaang, hindi na natin maibabalik pa ang bawat salitang ating sasabihin, hindi madaling maghihilom ang anumang sugat na hindi kita sa balat at mag-iiwan naman ng parehong lungkot at galit ang taong iyong nasaktan. Sa panahong nararamdaman mong ikaw'y galit; kumalma, lumayo panandali, mag-isip at 'wag magdesisyon. Ang anumang aksyon at desisyong iyong ginawa sa oras na ikaw ay may labis na galit ay tiyak na magreresulta sa hindi maganda.

Worries - ang sobra-sobrang pag-aalala ay nakakaapekto sa ating pag-iisip na nagreresulta sa pagkabalisa ng isang tao. At ang mga alalahaning ito kung hindi mareresolbahan ay mananahan sa ating isipan at kung didibdibin ng husto isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit nasasadlak sa kalungkutan ang tao. Ang labis na pag-iisip sa problema at ang pagkatakot na hindi ito maresolba, kung 'di kaagad maagapan ay patungo sa nakakapangambang depresyon; ito rin ang kadalasang dahilan nang mga taong ninanais na kitilin ang sariling buhay. Hindi kailanman dapat ipinagwawalang bahala ang depresyon (labis na lungkot) dahil ito ang panahong panay negatibong bagay ang pumapasok sa ating isip at puso. Hindi mo man pisikal na kitilin ang iyong buhay, unti-unti mo namang kinikitil ang lahat ng pag-asang ikaw ay sumaya at lumigaya. Walang pinipiling tao ang depresyon; ordinaryong tao man o sikat na personalidad, may kaya man sa buhay o salat sa pera 'pag mayroon ka nito higit na kailangan mo ng kaliwanagan at kaibigan dahil 'pag wala ka nito mas malamang mali ang bawat desisyong gagawin mo.

Frustrations - nakakalungkot ang bawat frustrations sa buhay, nakakalungkot na mabigo sa mga bagay na iyong pinangarap, inasahan, inasam at sinandigan at mas nakakalungkot kung ang frustration na ito ay sanhi ng isang malapit na tao sa puso mo. Maraming uri ang frustrations; kabilang dito ang pagluluksa, frustration sa pangarap, sa trabaho, sa plano, sa kaibigan, sa pamilya at sa pag-ibig. Mahirap masanay sa kaligayahan lalo't alam mong ito'y panandalian o pansamantala lang, mahirap mag-expect ng sobra-sobra lalo't isinara mo ang sarili mo sa anumang kabiguan, nakakadismaya na ang mga taong iyong inaasahan ang sila pa mismong magiging sanhi ng iyong kalungkutan.  Hindi masama ang maging optimism at positibo sa buhay pero sana 'wag nating ihiwalay ang reyalidad na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin at may pagkakataong mabibigo tayo kahit gaano pa kapositibo ang iyong pananaw. Iba ang pesimist sa pagiging realist kaya dapat mayroon tayong second option o contingency/back-up plan kung sakaling hindi matupad ang iyong inaasahan.

Getting old - kung hindi mo tanggap na ikaw ay nagkakaedad na, malamang nakakaranas ka ng kalungkutan. Aayuda pa sa nararamdaman mong kalungkutan (dulot ng pagka-old age) kung narating mo ito ng marami kang hindi napagtagumpayan sa buhay; unsuccessful family, unsuccessful career, walang naging anak, tumandang binata/dalaga. Ang midlife crisis ay isang uri nito; minsan sa sobrang pag-absorb mo sa kalagayang ito ay bigla ka na lamang makakaramdam ng lungkot kahit walang sapat na kadahilanan. At dahil nga ang 'old age' ay katumbas ng pre-departure area sa isang paliparan may pangamba rin sila sa mas malapit na reyalidad nang pagpanaw ng kanilang mortal na katawan. Kung ikaw ay medyo bata pa at meron kang nakasalamuhang may edad na at may pagkamasungit malamang nakararamdam siya ng kalungkutan at bilang mas nakababata sa kanya dapat maunawaaan at maintindihan mo ang kanyang kalagayan.

Sa huli, ang pagiging masaya o pagiging malungkot ay palaging by-choice at sa pagpili mong maging masaya o malungkot maraming mga tao ang mahahawa mo sa buong araw. Good vibes sa ibang tao ang iyong ngiti at bad vibes naman ang pagsimangot mo. Ang minsang pagkalugmok sa kalungkutan dulot ng iba't ibang problema ay okay lang pero sana 'wag mong hayaan na panatiliin ito ng matagal sa puso mo, napakaiksi lang ng buhay kung masyadong magko-concenrate sa pagiging malungkutin mo. Mas kagiliw-giliw sa tao ang masiyahin at iniiwasan naman ang mga taong walang pakialam sa nangyayari sa mundo.

Aabangan..What may ease your loneliness.

Si Laura

$
0
0


"O ikaw na munang bahala sa bahay at aalis na ako ayokong tanghaliin dahil wala akong aabutang sariwang isda 'pag mamaya pa'ko aalis." Si Laura sa kanyang asawang si Jing.

"Eh, bakit hindi ka muna mag-almusal sandali lang naman 'yun, mahirap lumakad ng walang laman ang sikmura baka bigla kang mahilo sa kalsada lalo ka lang mahirapan.", sagot ni Jing.

"Nakapagkape na naman ako, okay na 'yun mamaya na lang ako mag-almusal pagbalik ko galing palengke." si Laura ulit.

Araw ng Linggo.
Araw ng pamamalengke ni Laura. Empleyado siya ng isang Freight Forwarding Company sa  Maynila at sa Accounting Department siya naka-assigned. Higit limampung taong gulang na si Laura, may pagkamasungit dahil hindi pinalad magkasupling ng asawa niyang si Jing. Dalawampu't dalawang taon na silang kasal nito,  kahit kapwa hindi baog ang mag-asawa'y nakapagtatakang hindi sila nabiyayaan kahit isang anak man lang.

Si Jing ay isang taxi driver pero tatlong beses na lang isang linggo kung pumasada ngayon dahil sa edad niyang limampu't walong taong gulang madali na siyang mahapo sa maghapong pagmamaneho. May isang anak ito sa kanyang pagkabinata at batid din iyon ni Laura ngunit hindi ito naging hadlang upang sila'y magsama at magpakasal.

"Akin nang sukli ko!" tinutukoy ni Laura ay ang sukli niyang dalawang piso sa iniabot niyang sampung piso sa pobreng tricycle driver. Nasa palengke na siya.

"Ganyan naman kayo eh, kung kami ang kulang kahit singkwenta sentimos lang hindi kayo papayag pero 'pag kayo ang walang panukli gusto niyo pumayag kami!" pahabol pa niya.
Agad na nagpabarya ng kanyang limang piso ang tricycle driver sa kapwa niya driver na nakasalubong at iniabot ang walong pirasong beinte-singko sentimos kay Laura.

Gusto pa sanang magreklamo ni Laura sa binigay sa kanyang mga barya ngunit siya'y nakapagpigil, pabulong na lamang siyang lumayo at mabilis na lumakad patungo sa pwesto ng mga nagtitinda ng mga isda.
Sa bilis ng kanyang lakad ay hindi niya napansin ang magkapatid na Lyn at Luisa, na mabilis din ang kilos; mga palaboy sa palengke na sumalubong sa kanyang daraanan. Si Lyn ay tinatayang siyam na taong gulang samantalang si Luisa ay mas bata ng apat na taon. Humahangos ang magkapatid na may hawak na ilang pirasong iba't ibang uri ng gulay na halatang pinulot lang sa kalsada.

"Aaaaay!!!", pasigaw na salita ni Laura. Naglaglagan ang kanyang mga barya, nabitiwan ang kaninang nakahalukipkip na dalawang tote bag at napunta sa maputik na bahagi ng sahig. Napaupo naman sa lapag ang nakababatang si Luisa, putikan. Habang si Lyn ay hawak sa kanang braso ang kapatid, nakatingin kay Laura na mukhang sasabog sa galit.

"Letse! Kung bakit kasi dito pa kayo naghaharutan sa daraanan ng mga tao. Ang dudungis ninyo, nasaan ba ang mga magulang niyo at pinababayaan kayong pakalat-kalat dito? Mga iresponsableng magulang, aanak-anak mga pabaya naman. Bwisit!"

"Sorry po, hindi naman po namin sinasadya saka po hindi naman po kasi kayo nakatingin sa nilalakaran niyo." pangangatwiran ni Lyn habang inaalalayan sa pagtayo ang kapatid na si Luisa.

"Aba, kung makasagot kang bata ka ah! Wala kang disiplina, kung hindi ka lang bata malamang nasampal na kita! Bwisit na araw ito, ang aga-aga ang daming bwisit!" pasigaw na pasaring ni Laura sa bata habang dinadampot ang naputikang mga barya at tote bag.

Lampas pa lang alas-siyete noon pero dama mo na ang kakaibang init ng umagang iyon at nagpadagdag pa ito sa mainit ng ulo ni Laura. Nakangiwi ang mukhang tumungo sa kanyang suking tindera ng isda. Si Aling Amelia.

"O, suki bakit ba ang aga-aga eh nakabusangot 'yang mukha mo? May kaaway ka ba?" ani Aling Amelia.

"Kakainis! 'Yung dalawang batang palaboy diyan sukat ba namang sa masikip na daanan naghaharutan, ayan tuloy mukha na rin akong marungis. Tingnan mo itong tote bag ko puro putik, palibhasa kasi mga sanay sa putikan." muling umalingawngaw ang boses ni Laura habang nagpupunas ng pawis sa kanyang noo. "Ano ba yan?!? Alas-siyete pa lang amoy pawis na'ko! Ang init naman sa pwesto mo!"

"Kaya ganyan kainit ang panahon kasi sinasanay lang tayo kung sakaling sumakabilang-buhay na tayo. Hehe" pabirong banat ni Aling Amelia.

"Ikaw naman, ang daming pwedeng sabihin iyan pa ang sinabi mo." hindi natuwa sa biro si Laura.

"Biro lang naman 'yun suki, 'wag ka na magalit. O sige na, pili ka na ng isda ko."

"Magkano ba 'yang galunggong mo?"

"Para sa'yo, siyento treinta na lang ang kilo suki kanina siyento kwarenta iyan" sagot ni Aling Amelia.
"SIYENTO TREINTA? Ibig mong sabihin mas mahal pa 'yang isang kilong galunggong mo kesa sa isang kilong manok?" painosenteng birada ni Laura sa tindera. "Sige, bigyan mo ko ng isang kilo niyan, linisin mo na rin."

Binuklat ni Laura ang unang tote bag at hinanap dito ang kanyang wallet. Hindi niya ito nakita. Muli niyang binuklat ang ikalawang tote bag pero muli wala siyang wallet na nakita.

"Sandali ah, balikan ko lang 'yung napagbagsakan ng mga bag ko baka nalaglag dun 'yung wallet ko."

Dali-dali siyang bumalik sa kung saan niya nakabangga ang dalawang bata. Tuwad dito, tuwad doon ang kanyang ginawa. Ginalugad ang bawat sulok kung saan posibleng sumiksik ang kanyang nawawalang wallet. Higit na sa limang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin niya nakikita ang kanyang wallet. Lalong uminit ang dati nang mainit na ulo ni Laura. Pawisan. Putikan. Masakit ang likuran. Sa kanyang pag-inat, naalala niya ang dalawang bata.
Agad siyang naglakad patungo kung saan naalala niyang tumakbo ang mga bata. Nakita niya ito sa tindahan ng mga gulay. Namumulot ng mga nalaglag na bawang at sibuyas.

"Hoy, kutong-lupa! Nasaan 'yung wallet ko? Sa'n mo itinago? Kanino mo ipinasa?" sunod-sunod na tanong ni Laura kay Lyn, habang mahigpit niyang hawak sa braso ang bata. "Alam ko miyembro kayo ng sindikato kunwari mga palaboy kayo dito, mga nagpapaawa, humihingi ng limos pero naghahanap lang ng pagkakataon para makapagnakaw!"

"Ano pong wallet? Wala po akong kinuhang wallet! Saka hindi po kami magnanakaw, palaboy nga po kami pero hindi po kami nagnanakaw. Nasasaktan po ako. Bitawan niyo po ako" pangangatwiran at pakiusap ng batang si Lyn kay Laura.

Sa sakit na nararamdaman ng bata sa higpit nang pagkakahawak ni Laura, nagpupumiglas siya at sa kanyang pagpumiglas nasiko niya si Laura at tinamaan sa sikmura. Namilipit sa sakit si Laura, napaupong sapo-sapo ang kanyang sikmura habang si Lyn ay hinahatak palayo ang batang kapatid na si Luisa. Patakbo.

Kahit masakit pa ang sikmura dulot nang pagkakasiko, tumindig at hinabol ni Laura ang dalawang bata. Inabutan niya ito. Hinatak paharap ang buhok ng kaawa-awang si Lyn at nang nasa harapan na ito ni Laura ay ubod-lakas niya itong sinampal!

"Walanghiya kang bata ka! Ikaw pa ang may ganang manakit ikaw na nga ang itong nagnakaw, nasaan ang wallet ko?!?" muling dumapo ang palad ni Laura sa siyam na taong gulang na si Lyn.

Napaiyak si Lyn sa sakit ng sampal ni Laura at mamaya pa'y pumalahaw na rin ng iyak ang kanyang kapatid. Nabaling ang atensyon ng mga tao sa kanilang tatlo; mga tindera, mamimili, matador at ilan pang mga usisero at usisera. Nagbubulungan. May ibang kampi sa may edad ng si Laura at ang iba naman'y nakikisimpatiya sa dalawang bata.

"Hindi naman po talaga kami nagkuha ng wallet niyo kahit po kapkapan niyo pa kami, namumulot nga lang po kami ng mga nahuhulog na gulay para po mayroon kaming maiulam sa bahay huhuhu", hikbi ni Lyn.

"Hindi ako naniniwala sa'yo alam ko kahit na kapkapin kita, wala na diyan ang wallet ko kasi ipinasa mo na ito sa ibang mga kasabwat mo! Saan mo inilagay ang pitaka ko? Kanino mo ipinasa? Sino mga kasabwat mo?" pagalit na tanong ni Laura kay Lyn sabay pingot nito sa kanang tenga.

"Kung hindi mo ilalabas ang wallet ko, mas maganda siguro kung tatawag ako ng baranggay o pulis at sila ang magtatanong sa'yo kung sino-sino ang mga kasabwat mo. Makukulong ka!"

Sa narinig na ito ni Lyn kay Laura ay lalo itong natakot. Lumakas ang iyak ng magkapatid. Tiyempo namang may paparating na rumurondang tanod sa kanilang pwesto at natanaw ito ni Lyn. Nataranta ang bata.
Sa sobrang takot at pangambang siya'y ikulong kumaripas si Lyn ng takbo at sumiksik sa makapal na mga usisero at usisera. Umiiyak na lumayo ito sa mga tao habang naiwang humahagulgol ang nakababatang si Luisa.

"Hoy, ang bata, masasagasaan!" sigaw ng tindera ng buko juice sa labas ng palengke. Si Lyn ang tinutukoy niya, nadulas ang bata sa bilis ng kanyang takbo at dahil na rin sa laki ng tsinelas niyang suot-suot.

Hindi na umabot ang preno ng delivery truck ng gulay dahil sa biglang pagsulpot ng bata sa kanyang daraanan. Tuluyan na ngang nabundol si Lyn nang rumagasang trak. Nagulat ang lahat nang nakasaksi. Hindi makapaniwala.
Duguan na hawak ni Lyn ang ilang pirasong iba't ibang uri ng gulay na nakalagay sa plastik. Habol-hininga. Sa ganitong kalagayan inabutan ni Laura ang bata, tinanaw niya lang ito mula sa bukana ng palengke hindi pansin sa dami ng mga tao. Habang si Luisa ay nakalapit sa kung saan nakabulagta ang kapatid.

"Ate....huhuhu, ateeee!!!" palahaw ng batang si Luisa.
"Luuu...luuuisaa...aa.." At tuluyan nang nalagutan ng hininga si Lyn.
Nagkagulo ang mga tao sa palengke. Kanya-kanyang kuha ng video gamit ang iba't ibang cellphone. Parang walang nagtangkang tumawag sa pinakamalapit na ospital o presinto ng pulisya.

Nagpasyang bumalik sa bahay si Laura. Habang nasa tricycle ay bumubulong-bulong. "Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit nabundol ang batang iyon, kung hindi ba naman niya kinuha 'yung wallet ko at hindi siya nagtatakbo, eh di sana hindi siya nahagip ng trak na iyon. Wala akong kasalanan dun, kundi ang driver ng trak." depensa ni Laura sa kanyang sarili.
 ***
"Hoy, kuha mo nga ako ng barya sa itaas at wala akong pambayad dito sa tricycle!" si Jing ang kausap.

"O, ba't ngayon ka lang dumating? Kanina pa kita hinihintay bumalik. Tinatawagan naman kita sa cellphone mo, iniwan mo naman pala."

"Umakyat ka nga muna sa itaas at kumuha ng baryang pambayad dito sa tricycle nang makaalis na ito bago ka magkukwento diyan." bara ni Laura sa asawa.

Iniabot ni Jing ang walong pisong pamasahe sa tricycle driver at itinuloy ang kwento sa asawa."Ang sabi ko, kanina pa kita hinihintay bumalik, tinatawagan kita sa cellphone mo pero iniwan mo naman pala. Hindi na kita sinundan sa palengke kasi baka magkasalisi lang tayo."

"Bakit mo nga ako hinihintay bumalik kaagad? Eh alam mo namang nasa palengke ako, saka iniiwan ko talaga 'yang cellphone ko tuwing namamalengke ako dahil baka madukot pa 'yan do'n at ibawas pa 'yan sa sweldo ko ng opisina." sagot ni Laura.

"Kaya kita tinatawagan sa cellphone mo dahil pababalikin sana kita dito sa bahay dahil wala kang mabibili nang kahit na isang kilong isda dahil naiwan mo ang wallet mo! Ito oh." sabay dukot ni Jing ng wallet sa kanyang bulsa at iniabot sa asawang si Laura.

- E N D -

Ang Jaguar

$
0
0
"Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, ang lumabas sa bahay na ito nang nagkalat ang utak mo sa sahig o dumito ka at alagaan ang mga anak natin!" pabantang sigaw ng dating jaguar at baldadong si Arnulfo, sa kanyang asawang si Elsa.

Ngunit mistulang walang tapang ang kanyang tinig, ni ang napadaang tambay ay hindi nayanig sa kanyang narinig.

Dalawang taon lang ang nakalilipas nang siya'y mabundol at magulungan nang humahagibis na pampasaherong dyip na nawalan ng preno nang kanyang itulak para iligtas palayo si Elsa, na kasama niya noong tumatawid ng kalsada.

Paismid itong tumalikod at lumakad.
Bitbit ang dalawang malaking bag, parang walang narinig na akmang lalabas ng bahay si Elsa, sasama kay Diego na traysikel drayber na serbis ng kanilang dalawang anak sa eskwela. 


"Bang!!!"


Umalingawngaw ang isang putok ng baril. 


Bagsak si Elsa. 
Ang kanyang noo na kanina'y mapagmataas ngayo'y nakasubasob malapit sa pintuan.


Walang buhay. 
Sa isang iglap, kinitil ng kakirihan ang buhay at tahanang dati'y puno ng pagmamahalan.


Duguan. 
Wala nang pinag-iba ang kulay ng kanyang gamit na lipstick at suot na maiksing shorts at damit sa dami ng dugong umagos.


Nagkalat ang utak sa sahig.
Ang bantang hindi nadinig at hindi pinaniwalaan ay niliteral ng panibughong naghari sa kumalam na isipan.


Habang si Arnulfo ay humahagulgol na tangan ang paltik na kalibre .38 na isinangla noon sa kanya ng kanyang kumpareng adik na si Gimo. 


Nakatutok ang dulo ng baril sa kanyang sentido.

Sugat (Inulit at In-edit)

$
0
0


Dumudugo ngunit 'di dumadaing, humahapdi ngunit 'di makahindi, tumatangis ngunit walang nakaririnig.

Kaawa-awa.

Sugatan.

Tangan ang isang sugat na tila wala nang pag-asa pang maghilom.
Walang kusang-loob na nagmamagandang-loob gayong marami ang may kakayahang ito'y gamutin. Samantalang ang nagnanais ay walang lakas,walang libog. Marami ang may kakayahang lunasan ang lumalalang sugat ngunit mas pinili ang magkibit-balikat na lang. Parati.

May sisigaw at idudulog ang nakatambad na galis at galos sa maalikabok na kalsada; nagmukha lamang tanga.
May susulat at ibubulong sa kinauukulan ang mga gunggong na may sanhi; itataboy at 'di pakikinggan.
May magbubunyag at isisiwalat ang dahilan ng mga halas; na mangmang lang naman ang nakamalas.
May boluntaryong iaabot ang medisinang paunang lunas ngunit isinantabi lang ito at ikinubli.

Manhid. Bingi. Imbalido. Baog.

Hanggang kailan dadalhin ang sugat? Sugat na namumutiktik na ang langib sa mahabang panahong walang nagmamalasakit.
Hanggang kailan mananatili ang sugat? Sugat na nawalan na ng kakayahang paghilomin ang sarili.
Hanggang kailan nakalantad ang sugat? Sugat na nakakadiri at wala ng pinagkaiba sa nabubulok na patay na hayop na nakakasulasok.

Silang mga may awa umano pero umaayuda sa pagdatal ng sakit.

Silang maasahan daw sa oras ng pangangailangan ngunit nagmamaang-maangan sa tuwing lalapitan ng awa.

Silang palaging may ngiti sa mga labi subalit daig pa ang unos sa pagiging madamot at masungit.

Silang nagsipag-aral kung papaano ang gumamot pero mas ninais magtanga-tangahan at nawiling sa kalokohan ginagamit ang napag-dalubhasaan.

Silang talos at nakikita ang kamalian pero ninais na pumikit at magbulag-bulagan at kalauna'y lalahok na rin sa kagaguhan.

Sila na magagalang tuwing ikatlong taon ngunit imbalido sa buong panahon. Ilustradong maituturing datapwa't sa estupido maihahambing.

Tayo.
Tayong nakamasid lang ang kayang gawin. Sa paghimod ng mga tarantado habang umaayuda sa hapding nararamdaman. Iiling at mapapamura nang kung ilang beses. Mga lunatikong 'di na tumulong paismid pang nilura ang kanilang nakahihindik na kamandag. Kahabag-habag.

Tayo.
Tayo na pinagmumukhang bobo at tanga. Umaasa sa wala naman. Nagrebelde, naghuramentado, naulol. Kaunti na lang ay magbibigti na sa kawalan nang pag-asa; ayaw mamasdan ang pag-baon ng panibagong punyal na kanilang itatarak sa mala-kanser na sugat.

May tuluyang lilisan at 'di na iibiging bumalik. Ayaw nang mamasid ang kalbaryo at paghihirap na dinaranas ng sugat na ang pag-asang maghilom ay halos patungo na sa pagkahulagpos. Galit na ituturan: "Sabay-sabay na kayong magpatiwakal!"

Daang-milyon pero halos walang bilang. 
Bilyong dolyar pero halos walang halaga. 
Dating henyong iskolar pero walang pakinabang. Lider-lideran pero walang matinong alam, walang silbi.'Tangna! Pakiusap...gamutin niyo na kami! Hindi na namin kaya.

Sino ka ba? 
Sino ba sila?
Sino ba tayo?
 

Mga tagapaglingkod na maalam umano datapwat walang pakialam at hindi ito alintana, batid ng sugatan ngunit patuloy pa rin sa pag-unday sa sakit na nararanasan.
Walang puso. 
Walang kaluluwa. 
Harapan nang ninanakawan dapwa ang nais pa'y hubdan; maalis ang lahat ng saplot sa katawan hanggang sa maubos na kahit ang kapiranggot na kahihiyan. 

Ano pa ba ang kailangang nais? Hindi na nakontento sa nilikha nilang sugat nagpiga pa ng kalamansi na nagpadagdag sa sakit at hapdi. 

Ang iyong bawat sugat ay sumasalamin sa hirap na iyong dinaranas na iyong tinitiis sa mahaba-haba na ring panahon sa pag-aakalang ito'y muling maghihilom. 

Ang iyong bawat sugat ay sumisimbolo ng kawalanghiyaan ng mga taong may sanhi nito na hindi nangingiming muli kang sugatan kung mayroong pagkakataon. 

Ang iyong bawat sugat ay sumasagisag sa kagaguhan at kasakiman ng mga taong sinsasamba ang kuwarta at dinidiyos ang kapangyarihan.

Kahabag-habag na Pilipinas, sino ang lulunas sa lumalaki at lumalala mong mga sugat?

Umiiyak ang Pilipino, umiiyak ang Pilipinas, umiiyak ang langit.

Walang Label

$
0
0


Krrriiing....krriiing...

"Thank you for calling Gallego Mining Company. Good afternoon this is Christy how may I help you?"

"He...hello."

"O Geoff, Ano at para kang bubuyog diyan bulong ka ng bulong? Kachat na kita sa Skype ah hindi ka pa nakontento at tumawag ka pa talaga ha."

"Ang tagal mo kasi sumagot sa chat eh saka ang hirap magtype sa keyboard ko, mas okay dito sa telepono dinig ko 'yung lambing ng boses mo."

"Sus, ang arte. Nag-xerox po kasi ako kaya hindi po ako nakasagot agad sa huling message mo po."

"Ang dami mo namang 'po' parang pinapamukha mo naman sa'kin na masyadong malaki ang agwat ng edad natin para 5 years lang naman ang tanda ko sa'yo. Kumusta ka na?"

"Kumusta? Tinanong mo na 'yan kanina sa chat ah at sinagot ko na rin 'yan."

"Basta...sagutin mo lang, sige na. Kumusta ka nga?"

"Sige na nga. Okay naman ako. Kung makakumusta ka naman parang hindi tayo araw-araw nag-uusap."

"Mabuti naman at okay ka. Gusto ko kasing naririnig na okay ka dahil 'pag naririnig ko 'yun galing sa'yo mas lalong nagiging okay ang pakiramdam ko. Alam mo, namimiss na kita..."

"Natatakot ako 'pag sinasabi mong 'namimiss mo ako' kasi sabi mo dati 'yung tagalog ng 'I missed you' ay nagkamali ako sa'yo."

"Haha. Joke lang 'yun saka dati pa 'yun. Ibang 'miss' ang ibig kong sabihin...'yung totoong miss!"

"Sure ka diyan ha? Namiss mo agad ako? Di ba nagdinner lang tayo kagabi? 'Wag ka ngang masyadong thoughtful and caring baka hanap-hanapin ko 'yan."

"Kahit araw-arawin mo pa ang paghahanap sa pagiging thoughtful and caring ko hindi ito magbabago para sa'yo. Miss talaga kita, 'coz you are the only person worth missing than anybody else. Saka bakit mo naman hahanapin kung hindi naman nawawala?"

"Ayos ah! Boy pick-up, ikaw ba 'yan? Hahaha!"

"Nakakainis naman 'to. Hindi pick-up line 'yun no, totoo talaga 'yun.
Hindi ko pala naikwento sa'yo nung last week Wednesday na absent ka. Sa kagustuhan kong mabawasan ang pagkamiss ko sa'yo binasa ko 'yung mga conversation natin dati sa Skype..."

"O anong nangyari?"

"Ayun, imbes na mabawasan 'yung pagkamiss ko sa'yo lalo kang kitang namiss.."

"Alam mo para kong Lotto?"

"Lotto?!? Bakit, ano koneksyon ng lotto?"

"Kasi lagi kang nambobola! Hahaha!"

"Ah ganun...Alam mo 'pag kausap kita feeling ko mayaman ako."

"Bakit naman?"

"Kasi mahirap 'pag wala ka...Hello, hello! Nandiyan ka pa ba?"

"Oo, nandito pa ko Boy Banat. May dumaan lang anghel sandali. Hihi"

"Uy, thanks pala sa kahapon ha? Salamat sa oras, salamat sa masarap na dinner, salamat sa pasensya, salamat sa text, salamat sa trust, basta salamat sa lahat-lahat. It was my best dinner ever. Paano na lang talaga ako kung wala ka? Akalain mo 'yun...three days tayong walang communication tapos bigla kitang napapayag na magdinner kagabi. Wow, ang saya ko lang, Sobrang saya. Kaya 'pag may nagtanong sinong napapasaya mo everyday pwede mong sabihin 'yung pangalan ko..."

"Ayos ah, parang commercial lang ng Coke, hehe. Seriously, 'wag mo naman sabihing ikaw lang ang masaya kasi hindi naman ako papayag na makasama ka for a dinner o kahit simpleng snack lang  kung hindi ako masaya sa'yo. Masaya ako sa'yo at buo ang tiwala ko sa'yo, basta may time lang willing ako to spend an hour or two just for you."

"Ang sarap naman pakinggan niyan...basta ako nag-i-enjoy ako sa company mo. I respect your kindness that I won’t let myself to say things that’ll make your day set in a bad mood. I don’t want to misinterpret that kindness into something else. I don't even know what's in you that I keep on enjoying, I don't even know what's in me that you keep me in your life but all I know is that you are so special to me, so special that it's been a habit of me to send you a good morning greetings every single day, so special that I am more than willing to share my time with you anytime of the day."

"Oo nga eh, dami mo ngang message sa inbox ko. Thanks din. Uy, pasensya ka na pala hindi ako nakakasagot sa mga email mo nakiki-wifi lang kasi ako sa kapitbahay, nawawala-wala yung connection ko."

"Ganda ng status mo sa FB nung isang araw ah 'yung; 'The tongue has no bones, but it is strong enough to break a heart. So be careful with your words'."

"Ah yun ba? Sus, sa'yo galing yun eh kinopya ko lang dun sa isa mga email mo. Para lang 'yun sa mga taong mahilig magkalat ng kung ano-ano. Nagandahan lang ako kaya nirepost ko. Uy, sige na magpa-five na pala. Uwian na. Nagtext na si Gerry. Baka tumatawag na rin si Ma'm Stephanie diyan nakikita ko siya from here duma-dial sa phone, magalit pa 'yung wife mo pag masyadong matagal busy 'yang direct line mo, hala ka."

"Ha? O sige na, oo nga five o'clock na. Ingat ka pauwi. Bukas na lang. Salamat ulit. Bye for now."

"Sige ikaw din, ingat. O 'wag kang magtext mamayang gabi magkasama kami ni Gerry, FYI."

"Oo na, alam ko naman eh. At kailan naman ako nagtext sa'yo ng wala kang pahintulot  aber?"

"Hehe, sinisigurado ko lang. O bye na."

"Bye. I miss you."

"Sige na, bye."

"Sabi ko...I miss you!"

 "Ha? Same here. Bye."

"Okay. Bye." 

"Ingat ka". 

"Ikaw din". "

"Okay."

O V E R D R I V E

$
0
0


Dahil fan ako ng Eheads dapat ganyan ang sunvisor
Bukod sa magkaroon ng sariling bahay at lupa palaging kasama sa ating mga pangarap ang magkaroon ng sariling sasakyan at 'pag mayroon ka na nito dapat pag-aralan mo rin kung paano mo ito i-drive o kahit wala kang sariling sasakyan dapat matutunan mo ang magdrive dahil for sure mapapakinabangan mo ito balang-araw. Sa medyo mahabang 13 years na driving experience ko hindi ko pa rin masasabing napakaeksperto ko na dito, hindi ko pa rin masasabing perpekto ko na ang pagparada sa isang masikip na parallel parking, hindi ko masasabi na hindi na magagasgasan o masasagian ang aking sasakyan at hindi ko masasabing napakahusay na driver ko na. Minsan kasi kahit anong pagpupursigi o pag-iingat natin sa isang bagay mayroon pa ring darating na hindi natin maiiwasan. Kahit may pag-iingat ka may mga tao namang walang pakundangan at walang pakialam sa kalsada.

Ang pagmamaneho sa kalsada ng Kamaynilaan ay nangangailangan ng matinding pasensya at pagtitimpi. Sa dami ng iresponsableng motorista ngayon lagi kang mapapaaway kung laging mainit ang ulo mo. Sabi, malalaman mo daw ang tunay ng ugali ng isang tao kung siya ay nasa likuran ng manibela pero hindi ako gaanong naniniwala dito dahil may mga factor na dapat i-consider kung bakit nag-iiba ang asal ng isang tao kung siya'y nagmamaneho.

Masarap ang pakiramdam ng unang mga taon sa driving kumbaga e nasa "sweetest moments" pa lang kayo ng bago mong girlfriend, nandun pa 'yung lambing at pagkasabik niyo sa isa't isa pero kalaunan at dahil sa napakaraming mga pasaway sa kalye mas nanaisin mo na lang na isa ka sa pasahero imbes na ikaw ang nakaupo sa driver's seat. Sino ba naman ang matutuwa sa mga pasaway at naglipanang kuliglig sa kalsada, sa matitigas ang ulo at kuma-counterflow na mga tricycle driver, sa mga walang modong jeepney driver na sa mismong gitna nagsasakay at nagbababa ng pasahero, sa napakaraming lubak-lubak na kalsada, sa napakatagal at napakabagal na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan, sa maraming astig na motoristang ginagawang dekorasyon lang sa daan ang traffic lights and signage? Pagkalipas ng limang taon mong paghawak ng manibela malamang sawaan ka na sa pagmamaneho.

Kundi ka rin lang antukin sa pagmamaneho 'di hamak na mas masarap pa ang long driving kesa makipagsapalaran sa lansangan ng Kalakhang Maynila. At hindi raw ganap ang pagiging driver mo kung hindi mo naranasan ang magdrive ng higit sa anim na oras, nang mga kalsadang may sharp curve, madilim at sinabayan pa ng malakas na ulan. Oo, naranasan ko na rin lahat ng iyan. Naranasan ko nang magdrive sa malupit at nakakapagod na papuntang Baguio at pabalik ng Maynila, sa matinding sharp curve ng Tagaytay at Olongapo, sa nakakainip na biyaheng Batanggas, idagdag ko na rin ang Laguna, Pampanga, Bataan, Quezon at Pangasinan at sa ubod ng dilim na dating NLEX. Kukumpleto sana sa karanasan kong magdrive ay ang maranasan ang makapagmaneho sa napakatarik at delikadong Bitukang Manok na kalsada ng Lucena, Quezon at 'pag nai-drive ko 'yun ng walang aksidente masasabing 'Certified Driver' na ako.

sa Google Images lang galing ang larawan pero ganyan ang car ko dati pramis.
Hindi madali at hindi simple lang ang magkaroon at mag-maintain ng sariling sasakyan (brand new man ito o secondhand) maraming dapat isaalang-alang at isakripisyo para dito. Ang una kong sasakyan ay secondhand, isang 1995 model Mazda-Astina 323 sedan na nabili ko nang year 2000. Dito ko naranasan ang unang bangga, unang gasgas, unang kaba, unang sakit ng ulo. Hindi nga madali ang magmaintain ng sariling sasakyan lalo't kung ito'y secondhand mo nabili hindi mo alam kung kailan, ano at saang bahagi (na naman) ang bagong diperensya/problema ng kotse mo. At sigurado kukulangin ang isang libong pisong nasa bulsa mo para ito'y mapaayos. Dahil ang Mazda 323 ay malasportscar malamang na ang dating nagmamay-ari nito ay naihataw ito ng husto kaya nang napasakamay ko'y palaging may sira.

Gusto talaga ni Tyrone kasama siya sa picture
After ng dalawang taon, kinunsider ko nang marunong na talaga ako magdrive at pwede na akong bumili ng mas matino at bagong sasakyan. Pinalad akong makabili ng 2002 Isuzu Crosswind, wow ang sarap ng feeling! Hindi ako makapaniwala na nakabili ng bagong sasakyan na dati'y isang pangarap at panaginip lang! Para akong isang paslit na lango sa amoy ng bagong papel, bag, notebook, crayola at sapatos ganun ang amoy ng bagong sasakyan...mabango kahit hindi naman. Dahil dugo at pawis ang puhunan ko dito sinikap kong maging well-maintained siya sa katunayan gamit ko pa rin ito ngayon sa tuwing araw ng Huwebes.
Rear view ng old age na Crosswind. Dapat nakatakip ang mukha for security reasons pero sigurado parehong cute ang artwork at ang nagpalitrato.

Kung ang problema mo sa secondhand na sasakyan ay ang pangambang masiraan ka sa panahong kapos ka sa pera at hindi mo inaasahan ang hindi naman madali sa pag-acquire ng bagong sasakyan ay paghulog mo sa bangko ng malaking porsyento ng iyong salary sa loob ng apat na taon bukod sa 6 digit na downpayment at hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng diesel o gasolina na dapat ikonsidera. Whoah, kakalula di ba?! So, kung balak mong kumuha ng sasakyan ngayon makailang beses mo itong dapat na pag-isipan.

Ayon sa pagkakaalala ko ay ganyan more or less ang nangyari
Parang isang bangungot ang naranasan ko isang gabing medyo maulan sa sasakyang ito noon sa NLEX; habang pinapatakbo ko ito ng 130kph ay biglang pumutok/sumabog ang kanang likurang bahagi ng gulong nito. Umikot ang sasakyan ng isa't kalahating beses, sadsad kami sa shoulder ng highway; mabuti na lamang na walang paparating na rumaragasang trak o bus ng eksaktong sandaling iyon kundi ay St. Lukes' o St. Peter ang sumunod na destinasyon namin, tulala kami ng wife ko nang halos limang minuto sa nangyaring aksidente, nanginginig ang aking kalamnan at pawisan ng husto kahit malamig ang aircon. Tsk tsk. Muntik na. Thank God.

Sabi ni Tyrone dapat daw ganyan magpapicture
Natagalan bago ako ulit nakabili ng bagong sasakyan dahil na rin sa global economic crisis (haha ang arte - ayaw na lang sabihing kapos sa pambili) at nagsisipag-aral na tatlong anak. March 2010 sa wakas after 8 long years may katuwang na ang aking Crosswind, isang Toyota Vios - ganun pa rin ang feeling hindi pa rin makapaniwala na may bago na naman akong sasakyan, na sa kabila ng mga krisis sa buhay ay may bagong blessing na ibinigay si Lord. Sa hirap ng buhay ngayon kailangan tumagal sa akin ito ng higit sa sampung taon katulad nang pagtagal ng Crosswind. By that time, mapipilitan na talaga akong ibenta ang old age na AUV na ito, na malaki ang naitulong sa pamilya, sa trabaho, sa pambababae emergency, sa mga out of town na pasyal, sa kamag-anak. So far, memorable para sa akin ang pagdadrive ko sa Vios na ito ang pagpapatakbo ko rito ng almost 180kph sa kahabaan ng SCTEX! Tsk tsk, bad daddy dahil nagpadala ako sa buyo ng tatlo kong anak (na puro lalaki), akala yata nila na ang totoong driving ay walang pinag-iba sa nilalaro nilang Burnout at Need for Speed sa PSP.

Para sa akin, (unless marami kang pera at gustong-gusto mo talaga) hindi recommendable na masyado mong mahalin/pagandahin ang iyong sasakyan (modelo man ito o hindi) dahil kahit gaano pa kamahal o kaganda ang accessories na ilagay mo dito, hindi ito kaseguruhan na maibebenta mo ang iyong sasakyan sa mataas na halaga. Ang resale value ng anumang kotse ay deprecicated, base ito sa sa year model kung kailan ito lumabas at hindi sa kung ano ang accessories na ikinabit mo dito. Mas makabubuting ipunin at ilaan ang dapat na pambili sana ng accessories para sa downpayment ng brand new at modelong sasakyan.

Sa pagmamaneho hindi lang buhay mo ang nakataya kundi pati ang buhay ng mga taong nakasakay sa minamaneho mo. Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag uminom ng alak dahil kahit hindi ka malasing sa ininom mong isa o dalawang bote ng beer umaayuda naman ito sa iyong pagkaantok at mahirap talunin ang antok, maniwala ka. Kung mag-o-overtake siguraduhing may sapat kang lakas nang loob at tiyaking mas mabilis ng at least 10-30kph ang minamanehong sasakyan sa o-overtakean na kotse - gawin ito ng mabilis at swabe, 'wag magdalawang-isip dahil segundo lang ang pagitan ng buhay at sakuna. Pareho lang nakakabadtrip ang ikaw ay mabangga at makabangga - kung nangyari sa'yo ito makabubuting kumalma, palipasin ang ilang minuto bago bumaba ng kotse; hangga't maari 'wag magpadala sa init ng ulo marami nang napahamak dito at hindi na maibabalik pa ang anumang masasakit na salitang binitiwan pag nagkataon baka lumala pa ang sitwasyon. Mare-resolve ang lahat kung may otoridad na namamagitan.

May pagkakataong maiipit ka sa masikip na trapik o nakabitin ang sasakyan mo sa tulay o mapapasubo ka sa rumaragasang ulan o madadaan sa mabaha at madulas na kalsada - tulad ng ating buhay hindi ito palaging smooth at walang pagsubok. Bahagi ito ng buhay, bahagi ito ng pagmamaneho dahil ang karanasan mo ang huhubog sa pagiging mahusay mong driver balang-araw. Maging defensive at responsableng driver ng lipunan sa halip na offensive at pikunin. Huwag nang tumulad sa mga barubal sa kalsada, kung ginagaya mo sila wala kang karapatang magalit sa kanila.

Ang buhay para ring driving, minsan kailangan mong magmabagal, huminto at sa pagkakataong naghahabol ka ng oras kailangan mong magmabilis pero kaakibat nito ang isang responsibilidad na dapat harapin sakaling makaaksidente. Sa panahong may lubak ang buhay dapat ay dahan-dahan para hindi lalong mapahamak, hindi kailangan laging mabilis ang takbo lalo na kung paahon at pabulusok ang daan. Mahirap magdesisyon kung tumatakbo ka nang ubod ng bilis isang maling desisyon mo'y baka buhay ang maging kapalit. Makakarating ka pa rin naman sa iyong patutunguhan kahit hindi ka magmaneho ng mabilis, okay lang kahit medyo late ang importante ikaw at ang iyong mga sakay ay safe. Tandaan, KARAMIHAN sa malalang aksidente ay dahil sa iresponsable, kaskasero at nagmamadaling driver na nasa likod ng manibela.

May we all have happy and safe journey! Ingat!

Unemployed

$
0
0


Kalagitnaan na ng hatinggabi ngunit hindi man lang sumisilip ang buwan at ni ang kislap ng bituin ay tila nagkukubli sa mga mata mong naghahanap ng kahit kaunting paliwanag at kaliwanagan.
Ang lalim ng gabi'y singlalim ng mga iyong alalahanin at iniisip at ang dilim ng paligid ay umaayuda sa nararamdaman mong depresyon at kalungkutan.

Higit sa isang taon na ang nakalipas nang ikaw'y makapagtapos sa kursong iyong ninais pero heto ka ngayon...pabigat ng pamilya, pabigat ng lipunan.
Labing anim na taon kang nagsunog ng kilay sa loob ng paaralan ngunit nais mong ikumpara ang iyong sarili sa mga taong nangangalakal na hindi nakatuntong ng eskwelahan.
Kung susumahin hindi na rin biro ang iyong nagastos sa iyong pag-aapply ngunit higit pa sa gastos ang paghihirap sa kalooban na iyong dinaranas sa bawat bigong araw na lumilipas.

Hindi mo inakala na ganito pala kalupit ang reyalidad ng buhay.
Hindi mo inakala na higit na madali pala ang magbasa ng aralin gabi-gabi kaysa makatulugan ang pag-aalala sa mapanuyang paghahamon ng bukas.
Hindi mo inakala na mas nakakapagod pala ang maghanap ng trabahong mapapasukan kaysa ang magpabalik-balik sa eskwelahan.
Hindi mo inakala na mas nakakabagot pala ang magpasa ng sangkatukak na Resumé sa iba't ibang employer kaysa ang magpasa ng examination papers.
Hindi mo inakala na mas nakakasawa pala ang pagsagot sa mga paulit-ulit na tanong sa mga job interview kaysa sumagot sa recitation ng iyong mga propesor.
Hindi mo inakala na mas masarap pala ang buhay estudyante kumpara ngayong naghahagilap ka nang mapapasukan.

Magkano nga ulit ang itinakdang minimum wage? At magkano nga ang ginastos ng iyong mga magulang sa pagpaaral?
Sasapat ba sakali ang paunang salary mo para bumuhay ng matinong pamilya? Paano ka makakatulong gayong palamunin ka pa rin hanggang ngayon?
Ilang milyong mag-aaral ba ang nagtatapos taon-taon? At ilang bakanteng posisyon ba ang nakalaan para sa kanila?

Ngayon mo nauunawaan kung bakit milyong Pilipino ang sumusugal sa ibang bansa. 
Ngayon mo lang lubos na pinahalagahan ang hirap, pagod, pagsisikap at tiyaga ng iyong mga magulang para lang makakain ang pamilya.
Ngayon mo lang unti-unting naiintindihan kung bakit maraming empleyado ang hindi nagamit ang kanilang pinag-aralang kurso kapalit ng mas mababang uri ng trabaho.
Ngayon ka lang nag-alala sa kinabukasan mo at ng iyong magiging pamilya.

Hindi mo gustong matulad sa napakaraming tatlumpu't-walong milyong Pilipinong walang hanap-buhay pero heto ka ngayon - Unemployed.
Hindi mo nais na manirahan sa gilid ng kalsada at maibilang sa tinatawag na Informal Settler pagdating ng araw kaya heto ka ngayon - Balisa.
Tinutuligsa mo noon ang mga tambay sa inyong lugar pero ngayon matagal ka nang kabilang sa kanila.

Ayaw mo nang ganitong buhay, hindi mo ginusto ang maging tambay pero tila ang tadhana ang nagtutulak sa'yo upang ikaw ay maging ganito. Kasalanan ba ng gobyerno kung bakit marami ang ganito o sadya lang maselan ang iba sa pagtanggap ng trabaho?
Mali ba ang iyong nakuhang kurso o hindi pa lang dumadating ang swerte ng pagkakataon?

Marami kang gustong balikan, marami kang pinanghiyangan.
Marami kang mga pangarap ngunit kahit kapiraso man lang nito sa wari mo'y patungo sa kawalan. Nagsasawa ka na pero alam mong hindi ito ang tamang panahon ng pagsuko.

Mistula kang pulubi na nangangailangan ng kaunting limos. Pakiramdam mo'y mas malaki pa ang halaga ng hawak mong selepono kaysa sa iyong sarili at mas may pakinabang pa sa'yo ang mamang putol ang paang nagtitinda ng yosi. Iniisip mong mas nakatutulong pa sa kanyang pamilya ang batang gusgusing namumulot ng plastik sa basurahan at mas may silbi pa sa'yo ang adik sa solvent na pumapasada ng kalawanging kuliglig sa eskinita.

Ang iyong magarang suot ang magsisilbing pananggalang upang pagtakpan ang hirap ng iyong kalooban.
Ang iyong makisig na porma ang balat-kayo mo sa mapanuri at mapanghusgang mata ng mga tao.
Ang iyong mga hightech na gadget ang mag-aangat sa bumabagsak mong pagkatao.
Ang iyong kahusayan sa pagsasalita ng inggles ang magkukubli sa kaignorantehan mo sa maraming bagay.
Samantalang ang napagtagumpayan mong diploma ang magsisilbi mong sandata at kalasag sa pagsubok at dagok ng buhay.

Mamaya bago mo ipinid ang iyong mga mata muli mong sisipatin ang pagsilip ng buwan aasa kang siya'y muli nang ngingiti, iyong aaninagin ang mailap na nagkukubling kislap ng mga bituin,  maghihintay ng paliwanag at kaliwanagan ang pagsapit ng iyong naghihintay na bagong bukas.
Mapapawi na ang mga alalahanin at pag-iisip, liliwanag sa wakas ang kapaligiran, mangangarap na mapapalitan na ang depresyon at kalungkutan ng ubod-tamis na tagumpay at walang patid na kaligayahan, SANA.

Pinuta - Dos

$
0
0
i.

"Kumusta si Inay, Dok?"

"Medyo lumala kaysa dati ang lagay niya kailangan na niya talagang maoperahan sa lalong madaling panahon."


"Ganun po ba? Magkano nga po ulit ang kakailanganin sa operasyon?"

"Aabutin ang operasyon ng higit sa sandaang libong piso  hindi pa kasama dito ang kakailanganing gamot pagkatapos nito pero sa ngayon kahit limampung-libong piso lang muna, paunang bayad."

Magkahalong lito at lungkot na lumabas ng ospital si Elena. Nangingilid ng luha ang kanyang mugtong mga mata, hindi alam kung saan kukunin ang ganoong kalaking halaga. Isa siyang promo-diser sa Puregold Supermart.

ii.

"Magandang gabi po Congressman! May kasama po akong babae at katulad po ng pinangako ko sa inyo magdadala po ako ng maganda at donselya. Singkwenta mil para sa kanya at singko mil po para sa akin." Si Menchie, isang baklang bugaw ng kanilang Baranggay patungkol kay Elena.

iii.

Pagkatapos maibayad sa cashier ng ospital ang paunang bayad na singkwenta mil agad nagtungo si Elena sa doktor ng kanyang Ina, si Doktor Samonte.

Sinimulan na ng mga Doktor ang operasyon sa nanay ni Elena. 

Hindi namalayan ni Elenang nakatulog siya sa prayer room ng ospital. Alas-onse na ng gabi nang siya'y maalimpungatan. Halos pitong oras makalipas ang operasyon.

"Kumusta ang operasyon, Dok?"

"Ikinalulungkot ko pero dahil mahina na ang katawan ng nanay mo, hindi niya nakayanan ang isang maselang operasyon. Condolence, Elena."

Bagsak ang balikat na napahagulgol si Elena. Tanging pagtangis lamang niya ang naghari sa katahimikan ng ospital na iyon. Tinatanong ang Langit, nagtatanong kung "Bakit?".

Sariwa pa ang sugat ng kahapong alaala nang ibigay niya ang katawan sa lalaking hayok sa laman kapalit ng limampung-libong piso, hinayaan niya ang kanyang sarili na lurayin ng pulitikong ganid na ang ipinambayad sa kanya'y malamang na galing sa pondo ng bayan. 
Salaping walang pinatunguhan. 

Ang ginawa niyang kaparaanan ay tumungo lamang sa kawalan at isa nang marungis na babae ang turing niya sa kanyang sarili. Pakiramdamam niya'y wala na siyang ipinagkaiba sa isang puta
Isang babaeng pinuta ng kahirapan, pinuta ng sistema. 

"Ah miss, excuse me...pakiasikaso na lang po 'yung mga papers sa baba, meron din po kayong mga pipirmahan dun para po madischarge na mas maaga ang nanay mo, nandun na rin po sa cashier ang billing na dapat ninyong bayaran." sabi ng nurse kay Elena na nakatingin lang sa kawalan, tila walang narinig.

iv.

"Bossing, dalawang libo lang." si Elena habang ibinubuga ang usok ng kanyang hawak na yosi, sa driver ng kotseng huminto sa kanyang harapan.


 

Second Quarter - What's on your mind? 1/2

$
0
0

Lumipas na ang pangalawang quarter ng taong 2013. Sa nakaraang tatlong buwan at dahil makapal ang mukha kong magpost ng kung ano-anong "inspirational kabalbalan" sa Facebook, halos araw-araw kong pinatulan ang tanong niya na: "What's on your mind?" 

Katulad ng una kong sinabi ang post na ito ay parang pelikulang "Shake, Rattle & Roll" na walang katapusan at nauulit makalipas ang tatlong buwan. Narito ang halos kumpletong listahan ng aking sagot sa tanong na iyan, mula April hanggang June ng taong kasalukuyan.

April 2
 - Ang buhay ay parang isang salamin, nakasimangot ito kung ikaw ay nakasimangot at ngingiti lang ito sa sandaling ngumiti ka sa kanya. 

- Hindi lang pera ang nagpapaligaya sa mga tao, minsan...Candy Crush din.

April 3
 - Para magkaroon ka ng isang bagay na hindi madaling makuha kailangang gumawa ka ng isang bagay na hindi madaling gawin. 

- sabi ng isang magaling na poet: "habang may buhay, may chance naniniwala naman ako dun.


April 5
- 'Pag umaga 'wag muna dapat maging busy sa pag-ibig, dapat maging busy muna sa trabaho dahil ang trabaho ang kadalasang nagdidikta kung gaano ang itatagal ng isang wagas na pag-ibig.
ayus, naikonek din.
 


- Okay, aaminin ko nabaduyan ako sa "It takes a man and a woman" kagabi pero aaminin ko na rin, nag-enjoy naman ako at natuklasan kong 'pag masyadong malalim ang standard mo ng kaligayahan hindi malulubos ang iyong kasiyahan. 

- Hindi porke iba ang kasalanan ng isang tao sa atin dapat na natin siyang siraan at husgahan, lahat naman tayo makasalanan eh, siguro akala lang ng iba mas mababa ang antas ng kanyang pagkakasala kaya wala silang pakundangan manghusga ng kanyang kapwa. 

April 8
- Kung ang paglalaro ng candy crush ay isang kasalanan, tiyak na mapupuno ang ating mga kulungan.

- Madalas, kinakalimutan natin 'yung mga bagay na nararapat para sa atin, sa pagnanais na mapunan ang ilang kagustuhan natin. 

April 10
- Kung magmamahal ka 'wag mong pangakuan ng kung ano-anong sh*t o ng wagas na forever dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas o sa isang araw.
Mas okay siguro, kung i-enjoy at samantalahin niyo lang ang mga sandaling magkasama kayo at damhin ang ubod-tamis na inyong samahan at pagmamahalan ng walang sumpaan.
Dahil 'pag walang sumpaan, walang sumbatan...
 


- Tuwing panahon ng eleksyon madalas ginagago ng maraming mga botante ung mga pulitiko natin; pinapasayaw, pinapakanta, hinihingan ng “donasyon” at uto-uto namang sumusunod sila dito, sa kagustuhang makakuha ng boto pero pagkatapos ng eleksyon sigurado tayo naman ang gagaguhin nila ng tatlong taon, sa paanong paraan?
Alam na natin ‘yun, hindi na kailangang i-Memorize pa.
 


- Kung importante sa’yo ang isang Friendship kaysa sa isang argumento hangga't maari ‘wag ka nang makipagtalo, kahit alam mong may punto ka o tama ka pa; wala ka namang mapapala kung ikaw pa ang mananalo dahil ang mas importante…ung value ng inyong friendship higit sa isang argumento o sa kung anong bagay. 
 
- Ang pagmamahal na may reserbasyon ay hindi pagiging selfish kundi ito'y self-respect. Minsan nakakalimutan na nating mahalin ang ating sarili dahil sa labis-labis na pagmamahal natin sa iba, na kahit na abusuhin tayo ay pikit-mata pa rin nating itong sinisikmura, kung espesyal ang turing mo sa iyong mahal, espesyal ka rin naman sa ibang tao.

- Madalas sa labis na pagmamahal natin nakagagawa tayo ng isang bagay na labag sa ating damdamin at kahit makasakit ng iba o tayo mismo ang masaktan ay hindi natin ito alintana; para lang mapunan ang tinatawag na "pagmamahal".
 

- Hindi sa lahat ng oras dapat tayo ay nagtitiis dahil may mas magmamahal sa atin ng lubos 'yung taong mamahalin ka at hindi ka aabusuhin at lolokohin at hindi mahilig magbitaw ng pangako pero marunong rumespeto sa damdamin ng iba. 

April 11
- Global warming - biglaang panlalamig ng isang relasyon dahil ang isa kanila ay may pinag-iinitang iba. 

- Hindi mo naman kailangan ng napakaraming "kaibigan" para sumaya, kahit kaunti lang sila pwede na, pero sila yung totoong tao na kaya kang unawain at tanggapin sa pagiging ano ka at sino ka; at handa kang damayan at samahan sa kung ano man ang pinagdadaanan mo sa buhay. 

-Walang kupas na formula; bastardo, rags vs. riches, vendetta, against all odds at syempre love triangle. Wagas na sabong hindi bumubula (soap opera). 

April 12
- Minsan, ang mga taong akala natin na hindi tayo kayang saktan ay sila pa ang susugat sa atin ng napakalalim. 

- Minsan, Hindi sasapat ang salitang "salamat" lang para i-appreciate ang isang bagay na sobra-sobra ang kasiyahang idinulot sa iyong puso. 

April 15
- Hindi man natin maintindihan at malaman sa ngayon kung ano ang mga reasons behind our questions someday, somehow we’ll realize it.
Hindi man natin alam kung bakit may mga nakahambalang minsan sa ating dinaraanan ‘pag nalampasan natin ito dun pa lang natin malalaman ang kahalagahan nito.
 


April 17
- Sana hindi lang maging "financially stable" ang pangarap natin, sana isama na rin natin sa ating pangarap ang maging "emotionally stable" dahil hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay ang pakiramdam na ang mga taong pinahahalagahan at minamahal mo ay pinahahalagahan at minamahal ka rin, in return. 

- Sana ang buhay parang "Shake, Rattle & Roll" na movie lang, hindi natatapos kahit puro sequel; iba-iba ang katambal, iba-iba ang istorya. 

- Alam ko na kung bakit ang mga blogger ay hindi na gaano nagsusulat,
Nag-eenjoy na silang lahat sa Candy Crush
.


- Minsan, hindi na umuubra ang anumang ganda ng Hollywood Movies kung iku-compare sa ganda ng conversations ng taong mahalaga sa iyo. 

- Minsan, 'yung mabubuting tao nagkakaroon din ng hindi magandang desisyon pero hindi ibig ipakahulugan nun na masama na sila, ang ibig sabihin nun...Tao lang din sila.

- Madalas, nakakalimutan natin 'yung magagandang ginawa ng isang tao dahil lang sa maling desisyon, sa isang pagkakamali.

  
April 18
-Claustrophobia - fear of closed spaces.
Halimbawa:
Gusto kong magpabili ng Red Horse kay Aling Conching mamaya kaya lang natatakot ako na baka sarado na ung tindahan niya. Claustrophobia.
 


April 19

- Hindi ako naniniwala sa ingles na kasabihang "too see is to believe" kasi minsan kahit malayo ang taong mahal mo kahit hindi mo siya nakikita ramdam mo naman ang pagmamahal niya.

- 'Yung ibang mga tao kaya hindi gumagaling kasi imbes na Tamang Gamot ang binibili at iniinom mas ginugusto at iniinom nila ung Gamot na may tama. Magkaiba 'yun. 

- Ang mga bagay na hindi mo nalaman sa loob ng eskwelahan, malalaman mo sa ka-officemate mong maraming alam at 'yung mga aralin na hindi naituro sa atin ng ating mga guro, kayang ituro sa atin ng mga empleyadong wagas kung magkwento. 

-Hindi porke gusto mo dapat makuha mo, dapat nating malaman na hindi lahat ay nakalaan para sa atin dahil baka magresulta ito sa hindi maganda ‘pag ipinilit natin.
Hindi porke mahal mo dapat magkatuluyan kayo, may mga bagay na pandalian lang na dapat mong isakripisyo dahil laging may naghihintay na maganda higit pa sa inaakala mo.
 


-Hindi porke hindi ako nagbibigay ng life sa inyo hindi kayo mahalaga sa akin - may career din naman ako kahit papaano, sana naunawaan niyo...

April 20 
- 'Yung magising lang tayo sa bawat umaga, blessing na agad 'yun.
Hangga't wala ang pangalan natin sa Obituary 'wag tayong mawawalan ng pag-asa.
Hindi man laging may rainbow pagtapos ng ulan sigurado namang may umaga kahit gaano pa kahaba ang gabi.
 
 


- ‘Pag may nagkokomento ng “hihihi” sa anumang comment box naiisip ko yung nag-post ng comment na ‘yun ay isang mangkukulam pero alam ko mali ako dun. Hihihi.

- Learn to love yourself more, learn to adjust more in every stiff situation, learn to be more strict baka masyado na tayong maluwag sa ating bawat decisions.
Minsan, yung labis na kabaitan hindi rin lagi nakakabuti.
 


- Hindi sa lahat ng pagkakataon laging may second chance na nakaabang kaya hangga’t makakaya ‘wag nating sayangin ung first time na ipinakatiwala sa atin dahil kung everybody deserves a second chance lahat na lang tayo pwede magkasala. 

- Sana 'yung init ng panahon laging sumasabay sa init ng pagmamahalan.  

April 23 
- Ang pag-ibig parang Brggy. Ginebra, lagi kang pina-aasa pero lagi ka ring binibigo. 

- Forever – isang sitwasyon kung saan ang sandali ay lubhang napakatagal, ang oras ay tila hindi gumagalaw at ang anumang pagkilos ay katumbas ng sobrang pagkainip.
Naranasan mo na ba ang “Forever”?


- Get on your knees and pray after that... get on your feet and work.
Hindi lalapit ang grasya kung ikaw ay nakatunganga.
 


April 24 
- Kung lahat ng rules sinunod natin noong ating kabataan, hindi sana tayo mapapangiti sa ilang mga kalokohang ginawa natin dati; ‘yung pagka-cutting class, yung panonood ng sine, yung pamimingot sa’tin ng ating teacher, ‘yung unang inom ng alak, unang pagsusuka dahil sa labis na kalasingan, unang tikim ng yosi at marami pang “una”.

Kung sinunod natin lahat ng matinong rules na ito, namiss natin ang ating kabataan, namiss natin ang kakaibang kasiyahan…
 


- Sa bandang huli, hindi naman mahalaga kung naabot mo yung pangarap mo dahil ang higit na mahalaga ay kung paano mo inabot yung pangarap mo.
Natupad nga yung pangarap mo marami ka namang inagrabyadong tao walang silbi 'yun.
 


- Pag-ibig - kahalayan ng lumalanding puso. 

"I missed you" - english ng "Nagkamali ako Sa'yo".

April 25
- Tanong: Bakit kapag lalake ang nagloko okay lang, tapos ‘pag babae hindi okay? Bakit unfair?

Sagot: Wala namang nagsabing okay lang ang “magloko”, lalake man ‘yan o babae. Ang pagloloko kahit sa anong form cheating pa rin ‘yan. Sabi ng isang magaling na poet: “cheating doesn’t mean you have to kiss, meet or have sex with a third party. Once you find yourself deleting text / chat and e-mails , so your partner won’t see them , you are already there”, ang bigat ‘di ba?

Madalas kasi ‘pag ang lalake ang nagloko malamang “lust” lang ang dahilan. Womanizing is not tantamount to falling out of love, hindi porke nambabae yung lalake hindi niya na mahal ‘yung wife niya – mahirap ipaliwanag pero marami talagang ‘yun lang ang dahilan. Hindi okay na ang babae ang mag-cheat dahil ‘pag sila na ang nagloko may mas malalim itong dahilan na higit pa “lust” na tinatawag.
Ang lalake ‘pag nagloko baka naghaharot lang ito pero ‘pag ang babae nagloko malamang may problema sa loob ng pamilya.
 
 


-Dapat Tama.
Dapat Tamang Kandidato hindi 'yung Kandidatong may Tama.
 


- Sa Pag-ibig, hindi gaanong mahalaga kung gaano kalaki o kaliit ang pagmamahal na iniukol mo noon dahil ang higit na mahalaga ay ang ibinibigay mong pagmamahal sa kasalukuyan at ang mapanindigan mo ito hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. 

April 26
- Arlene: Hindi ka ba naiinitan? Ang haba-haba ng buhok mo.
Limarx: Hindi naman okay lang, malamig na naman yung pagmamahalan natin. hahaha
Toinks.


- Sana ang pagmoved-on ay katulad lang ng pagswimming...na natatapos kaagad ng Overnight.

-Totoong hindi lahat ng bagay ay may happy ending sa totoong buhay pero hindi ipakahulugan nun na habangbuhay ka nang magmukmok at mag-iiyak.
May panahon sa lahat ng bagay; may panahon sa pag-iyak, sa pagtanggap at sa pagbangon gaya ni Laida Magtalas Version 2.0. Na...Wiser. Braver. Stronger. Bolder. Fiercer.


-Yung "Ina, Kapatid, Anak" na dating fiction lang ginagawa nang reality ng Barretto Family. Tara nood tayo.

- Sa Candy Crush pa nga lang nag-eenjoy ka na, lalo pa siguro kung sa totoong crush mo. 

- Sa panahon ngayon, parang mas okay pa ang maghanap ng matinong trabaho kaysa maghanap ng matinong pag-ibig.  

April 29
- ‘Yung phrase na “Everything happens for a reason” parang masyado na ring naabuso, minsan kasi kaya hindi tayo nagtatagumpay sa isang bagay hindi natin nabibigay ‘yung pinaka-the best natin o kaya naman sa simpleng dahilan na talaga lang na pumalpak tayo.
Kung ang “Everything happens for a reason” ang lagi nating ikakatwiran ‘yun na rin ang gawin nating dahilan sa tuwing gagawa tayo ng kamalian.
 


April 30
- Minsan, hindi lang lasa at timpla ang nagpapasarap sa isang pagkain, minsan depende rin ito sa kung sino ang kasama mo sa hapag-kainan dahil kahit wala gaanong sarap ang nakahain parang sasarap na rin ito kung napapanatiling niyong masarap ang inyong pagmamahalan. 



May 2
- Hindi porke nagsabi nang “Sorry”, nagsisisi na talaga siya sa mga maling nagawa niya madalas nagiging daan pa nga ito para sa pag-ulit lang ng parehong kasalanan.

Hindi porke nagbigay ng kapatawaran, agad na niyang malilimutan lahat nang nagawa mong kasalanan madalas ito pa nga ang gumugulo sa kanyang isipan sa panahong hindi ka niya kasama.



- “Wala tayong gagawin dun, magpapahinga lang tayo” gasgas na magic word pero minsan nakakagayuma pa rin. 

- Oo, mahalaga ang ugali natin sa harap ng mga tao pero mas mahalaga ang ugali natin kung mag-isa na lang tayo. 

-Lahat naman tayo may “evil side” kaya ‘wag na magpretend na ubod tayo ng buti.
Lahat naman tayo “makasalanan” kaya ‘wag tayong maghusga dahil lang sa akala mo mas mababang level ang kasalanan mo sa ibang tao.


May 3
- Pagkatapos matupad ng ating mga pangarap; pag-ibig pa rin ang pinakamahalaga sa lahat.
Dahil pag-ibig ang dahilan kung bakit tayo nabuhay dapat pag-ibig pa rin ang kasama natin sa ating paghimlay.


- Ang katagang "Mahal Kita" ay hindi parang isang gift certificate na transferable, kung magsasabi ka ng Mahal Kita siguraduhin mong pag-ibig ang iyong nadarama.


- Hindi mahirap ang magbigay ng labis-labis na atensyon sa taong iyong gusto.
Ang mahirap ay ang dumating ang panahong hindi niya maibalik sa iyo ang atensyong ninanais mo.


May 4
- Ayon sa pag-aaral, mas mahaba daw ang buhay ng mga lalakeng may mga asawa kaysa sa mga lalakeng tumanda ng walang asawa, pasalamat pala dapat ako dahil hindi na ako tatandang binata.
Pero teka, ibig bang sabihin nun na mas hahaba ang buhay ng isang lalake kung siya'y mag-aasawa ng isa pa?!?


May 6
- Ang Ten Commandments ay hindi multiple choice na pwedeng pumili kung ano lang ang gusto nating gawin pero dahil sa tayo'y masyadong marupok halos ganun na rin ang ating ginagawa buti na lang ang Diyos na kilala natin lagi tayong handang patawarin sa kabila ng lahat ng mga kakulangan natin.   

May 7
- ‘Wag mo gaanong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong hindi naman talaga sa iyo dahil tiyak na darating ang panahong tuluyan itong aagawin at kukuning palayo sa iyo.
‘Pag nangyari yun…pati ang kakaunting kasiyahan mo ay mapapalitan pa ng labis na kalungkutan.
 


- Hindi naman talaga sagot ang FAITH sa lahat ng ating mga katanungan; kundi ang FAITH ay ang isang bagay na pipigil sa lahat ng duda at katanungang nasa utak mo. 

May 8
- Dear UST,
Sana kung wala rin lang available slot for a HS student, 'wag nang pakuhanin ng exam ang bata at 'wag na ring tanggapin ang Entrance Exam Fee.

Sayang ang higit tatlong oras na ginugol sa pagsagot ng Exam at lalong sayang ang ipinambayad sa Exam Fee na hindi naman pala nare-refund.


May 9
- Dahil tayo'y tao, may karapatan din tayong magalit pero hindi ito sapat na dahilan para tayo'y mang-alipusta at maging malupit, dahil ang bawat bibitawan nating salita ay hindi na kayang ibalik.
Kahit mag-sorry ka pa ng paulit-ulit.
 


May 11
- Hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong masaya dulot ng iba't ibang problema pero hindi ito sapat na dahilan para ikaw ay mawalan ng pag-asa. 

- Mahirap pakawalan ang isang bagay na akala mo'y sa iyo at hindi madaling tanggapin ang mga bagay na buong akala mo'y totoo. 

- Kung tutuusin hindi naman talaga dapat na pagsisihan ang LAHAT ng nangyari sa ating buhay dahil at some point nag-enjoy at sumaya naman tayo dito; nung nagkaroon lang naman ng problema saka lang bigla nating naisip na mali pala at dapat nang pagsisihan.
Kung walang naging problema...eh di tuloy ang pagpapakaligaya?

 

Second Quarter - What's on your mind? 2/2

$
0
0
May 15
- Nakakabilib yung mga taong naka-iPhone 5 kahit lampas lang ng kaunti ang sweldo sa minumum, ang hindi lang nakakabilib eh mabilis silang mainis 'pag hinihingan ng pamalengke o pambayad sa kuryente.

- Lahat ng tao kailangan ng tunay na pagmamahal pero ang reyalidad...hindi lahat ng tao may tunay na pagmamahal. 

- The truth is, it's not the food or the place, but the fact that you're with the person you care the most were on the same table eating together that makes the food tastes better, making the memories that will last forever... 

May 16 
- It's ironic that some people wanted to die while most people are striving to live.  

May 17 
- Habang nagko-computer napansin kong ang daming langgam ng keyboard ko, hindi na ko gaanong nagtataka matamis talaga kasi akong magmahal. 

- Hindi na nga maibabalik pa ang kung anumang masasakit na salitang binitiwan natin sa isang tao pero sana man lang mayroon tayong realization after, na ‘pag nalaman nating pala mali ‘yung ating sinabi at nakasakit tayo ng damdamin, the least we can do is to ask for forgiveness.

Pero ‘pag nalaman nating nakasakit na nga tayo ng damdamin at winalang bahala lang natin ito, may higit kang problema sa sarili mo dahil ‘di mo alam mas mataas na ang ego mo kaysa sa’yong pagkatao.
 


- Madalas tayong magreklamo ng "discrimination" against sa ibang country pero tayo mismo "racist" at mahilig mag-"discriminate" kahit sa mismo nating kababayan. 


May 21
- Kung sawa ka na sa buhay mo ngayon hindi pa rin ito dahilan para i-try ang kabilang buhay, lahat tayo ay doon papunta. 'Wag masyadong Excited.  

- There are some people is simply worth missing than anyone else but instead of spending worthless wondering, just wish that person have the best of everything & may he/she able to performed his/her work at his/her greatest.
Be appreciative and say: "Thanks for everything!"
 


- Sadyang may mga taong napakataas ng tingin nila sa kanilang mga sarili, na sa sobrang taas ay wala silang pakialam sa mga taong kanilang inaapakan na naging dahilan kung bakit sila naging mataas. 

- Hindi porke mataas na ang estado mo sa buhay karapat-dapat ka nang i-respeto, depende pa rin ‘yan kung paano ka makitungo sa kapwa mo;
Kung hindi ka man binabastos ng mga nasa paligid mo hindi ito katumbas ng pag-respeto, marahil isa lang itong pakitang-tao; ipinapakita lang nila mas tao ang ugali nila kaysa sa maangas na pag-aasal mo.
 


- Para lesser pain, 'wag gaano mag-expect, 'wag gaano mag-assume dahil kung gaano kataas ang level ng expectations mo ganun din kasakit ang mararamdaman mo sa oras na pumalya ang lahat ng gusto mong mangyari. 

May 22
- 'Yung gumagawa ng mga pekeng pera saka ng mga pekeng DVD hinuhuli ng batas, sana isama na rin nila yung mga may pekeng pagmamahal. 

- Noong maliit pa ako gusto ko maging superhero pero ngayon...parang hindi na, iniisip ko pa lang ang bigat ng responsibility ng isang superhero napapagod na ako.
Ngayong malaki na ako, hindi ko man na gusto ang maging superhero gusto ko pa ring magkaroon ng kapangyarihan.
Kapangyarihang magmahal ng tapat at magpakailaman.
At hindi natin kailangang maging superhero para taglayin ito.
 


- Acceptance - Huwag mong hanapin sa iyong asawa/kabiyak ang katangiang hindi niya taglay bagkus tanggapin at yakapin mo kung ano ang meron siya at magmula rito ay magiging maluwag ang pagtanggap nang lahat ng kanyang kakulangan.  

- Sabi daw, kung oras mo na - oras mo na.
Ang hirap naman nun 'pag oras na ng Piloto at pasahero ka tapos hindi mo pa oras.
Ano 'yun damay ka lang?
 


- Nakakalungkot na may mga taong mas ninanais na magpakamatay samantalang maraming tao ang may pagnanais na gumastos ng milyon-milyong piso para lang mabuhay; 

May 23
 - Ganito lang ‘yan eh, kung hindi ka sigurado sa bawat sasabihin mo ‘wag ka muna magkwento kung kani-kanino, paano kung lahat ng hinala mo ay hindi pala totoo?
At halos lahat ng taong pinasabihan mo ng iyong imbentong kwento ay napaniwala mo, paano mo pa maibabalik ang dignidad ng taong siniraan mo?
 


- OFW – Pilipinong nagsisikap, nagtitiis at naghahanap-buhay sa abroad para sa kinabukasan ng kanyang pamilya, na sa paningin ng maraming kapitbahay at kamag-anak sa ‘Pinas ay laging maasahan sa problemang pinansyal sa oras ng kanilang pangangailangan; ang OFW, bow… 

 - Minsan, kinakailangang may mangyari pang masamang bagay sa tao bago niya malaman at marealize na mali at huli na pala ang lahat, ang lahat-lahat. 

May 24
- 'Yung babaeng nanganak sa Carriedo Station ng LRT, na Carrie ang ipinangalan sa kanyang anak, nagpapasalamat dahil hindi siya sa Baclaran Station inabutan nang panganganak. 

- Hindi naman masama ang pagiging Optimist basta handa ka rin kung sakaling taliwas ang maging resulta sa inaasahan mo, ang katotohanan kasi...Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. 

- Sabi ng PAGASA ang ulan daw ay sanhi nang namuong sama ng panahon pero kung brokenhearted ka mas angkop na sabihing; Ang ulan ay pakikiramay ng Langit sa mga nabigo sa pag-ibig. 

May 27
- Oo nga naman, kung lahat na lang ng palabas sa TV ay kailangan ng Patnubay ng Magulang, eh di wala nang nagawa sa loob ng bahay ang mga nanay. 

May 28
- Dalawa lang naman ang panahon sa 'Pinas pero hanggang ngayon parang gulat na gulat pa rin ang marami sa tuwing bumubuhos ang ulan. 

- 'Yung Bureau of Customs laging down ang server, para na rin siyang may Down Syndrome. Isang kondisyon na dapat pagtuunan na ng pansin ng kinauukulan.

- Arlene: Umuulan na naman tamang-tama bagong carwash ka, ang lakas magpadumi ng sasakyan niyan.
Limarx: Okay lang na madumi yung sasakyan, ang importante malinis ang ating kalooban.
Arlene: Kahit kelan ka talaga kausap! Bwisit!
Limarx: Hahaha! Ikaw ang nag-umpisa eh!
 


-'Yung pamamahiya, panglalait sa kapwa masyado na nating niyakap para sa isang sentimong kasiyahan.  

- 'Pag may foreigner na nagsabi sa'yong: "Go to Hell!", pwede mo nang sabihin sa kanya na: "Well, I've been there already!"
‎#Inferno by Dan Brown
 


May 29 
-Yung mga adik wala naman silang pakialam kung masama ang droga.
Yung mga magnanakaw kaya nilang ijustify kung bakit sila nagnanakaw.
Yung mga corrupt na pulitiko hindi naman nila inaamin yung pagiging corrupt nila.
Kung wala tayong nakikitang masama sa humiliation, pareho tayo nang mga nasa itaas.

Kung hindi niyo yan naunawaan, ako ang uunawa sa inyo.
 



May 30
-'Pag maaga ka pala sa opisina mas masarap mapakinggan ang mga Love songs - mas damang-dama mo, mas tumatagos 'yung bawat linya ng kanta sa puso kong mapagmahal. 

- Sa tagal magtake-off ng eroplano sa Fast and Furious 6 iniisip ko ‘yung haba ng runway na ginamit dun – siguro magmula Balintawak Exit hanggang Sta. Ines driving at around 130KPH. Ganun siya kahaba. 

- Dapat tandaan: Hindi pwedeng umorder ng bottomless iced tea 'pag delivery. 

- Tumigil na rin ang ulan,
Tumigil na siyang makidalamhati.
 


- ‘Yung mga laging nalilista na maIingay sa classroom noong grade school natin, maiingay pa rin kaya sila hanggang ngayon? 

- Biyernes -
1- ordinaryong araw na ginagawang espesyal ng mga espesyal na empleyado para sa kanilang espesyal na gimik sa pagdating ng espesyal na kanilang gabi.

2 - isang araw sa buong linggo kung kailan karamihan sa mga nanay ng tahanang Pinoy ay may ulam na munggo sa hapag-kainan.
 


June 1
- Ang pagtanggi sa katotohanan ay pagtanggi sa pagbabago,
Ang pagtanggap sa kamalian ay pagyakap sa kasalanan.
Gawing motibasyon ang kamalian, gawing inspirasyon ang katotohanan.
 


June 4
- Aminin ang pagkakamali at 'wag ikahiya ang pagkakadapa;
Ang pagkakadapa ay bahagi ng buhay at ito ang magpapatatag sa mga paa nating minsang naging lampa.
Ang pagkakamali ay minsang hindi maiiwasan at ito ang ating magiging gabay sa paggawa ng nararapat.

Ang hindi natin pagiging perpekto ang nagpapaalala sa atin na palaging mayroong nakahihigit sa kung anumang kakayahan at katangiang taglay natin.
 


- Oo, nasa free country tayo pero there is no such thing as the liberty to hurt people. 

June 5
 - Kapag tuluyan nang ipinagbawal ang plastik sa Pilipinas, tanungin mo 'yung ka-officemate mong malapit sa'yo kung paano na siya at kung sakali, saang bansa niya kamo magbalak abroad.  


Ang pagiging masama o mabait palagi ‘yang by-choice (hindi by-chance), kung pipiliin mong maging masama, tandaang lagi itong may kabayaran at ang pagpili naman sa kabutihan tiyak na may bonus na biyaya at kakaibang hatid na sa kasiyahan sa ating kalooban.

-Nakakalungkot. Na dahil lang sa isang pagdududa lahat ng pagsisikap mong mapangalagaan ang iyong pangalan ay (parang) unti-unting ninanakaw sa’yo.
Nakakadismaya. Na dahil lang sa kagustuhang umangat ang sariling pangalan kailangan mong dungisan ang pangalan ng iba para maka-ani ng isang huwad na paghanga.
Nakakagago. Na napakababa ng tingin sa’yo ng ibang tao sa kabila ng pagsusumikap mong anihin ang ilang tagumpay sa malinis na kaparaanan.
Nakakaulol. Na may mga taong masaya’t nakangisi sa resulta ng walang batayang pagdududa habang may mga taong nagtatanong ng “Bakit” at tinanggalan ng karapatang lumigaya.

Ang ilang piraso ng piso ay hindi kailanman dapat maging katumbas ng iyong pagpapahalaga sa salitang RESPETO.


- Lahat naman tayo may angas, lahat naman tayo may yabang pero hindi dapat ginagamit ito para lang manghamak ng kapwa sa halip, ito dapat ang sandata mo sa oras na ikaw ay inapi at kinawawa.
Pero naniniwala pa rin ako na hangga't kaya natin, hangga't maari dapat sa lahat ng oras ay lagi tayong mapagkumbaba.


June 6
- Dapat talaga ‘yung pangalang “Jesus” hindi ipinapangalan sa common tao, paano kung ‘yung taong ‘yun na may pangalang “Jesus” ay lumaking salbahe at walanghiya?
Paano mo ibubuhos ang lahat ng sama ng loob mo sa kanya kung ikaw ay sinalbahe?
Paano mo siya mumurahin nang malutong kung ikaw ay sinagad sa kawalanghiyaan?

‘Wag na siguro…kasi ang dapat daw; ‘pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.


-Dapat 'wag mahiya kung may eyebag, pinagpuyatan mo 'yan.
Dapat 'wag mahiya kung may baskil, pinagpawisan mo 'yan.
Dapat 'wag mahiya kung may libag, pinag-ipunan mo 'yan.

Iyan ang nagagawa 'pag sobrang positive ng iyong thinking...


-Thunderstorm over Metro Manila w/c may persist in 1-2 hours is expected to affect nearby areas.
Sa Tagalog;
Tatamaan daw ng kulog at kidlat 'yung mga taong nagkakalat ng mga imbentong balita dito sa M.Manila sa loob lamang ng 1 hanggang 2 oras, asahan niyo nang maapektuhan lahat tayo;
 


- 'Yung mga tao gustong mapunta sa langit, ayaw naman magpakabait.
Ayaw daw nila sa impiyerno, pero ‘yung ugali may pagkahawig naman sa demonyo.
Pero ang nakakabilib, lagi silang naliligtas…kasi pinipilit nilang ibagsak ang ibang tao para mapanatili sila sa itaas.


- Kung ang pag-ibig ay isang luho, ituring mo akong isang abusado. 

June 8
- Hindi lang naman english ang karaniwang alam ng mga Pilipino marami din sa atin ang marunong nang French...French Kiss.


June 10
- Dahil masikip ang traffic, nakita ko kanina ‘yung nagtitinda ng sigarilyo sa A.Bonifacio Ave. sa Blumentritt, nagtitext gamit niyang cellphone…iPhone 3G, biglang nahiya ‘yung pinapakaingatan kong 2 y/o na Nokia Asha.

- Limarx : Sira ‘yung Microwave natin, ngayon naman sira ‘yung Ref natin, lahat na lang yata ng mga gamit natin sira…

Arlene: Okay lang na sira ‘yung mga appliances natin ang importante hindi sira ‘yung pagmamahalan natin.
(Ayus, lahat ng mga kalokohan ko bumabalik na sa’kin)
 


- Madali lang naman sabihing “I love you” sa mga taong naiibigan natin (lalo na kung gwapo o maganda) pero sana madali mo rin itong banggitin kung dumating na ang panahon; na ang taong sinasabihan mong ‘mahal mo’ ay tumaba, malugas ang buhok, tumanda na o magkaroon ng malubhang karamdaman.

Dahil ang pag-ibig ay hindi lang sa panahon ng inyong kabataan dapat nananatili ito hanggang sa isa sa inyo ay may karamdaman at hanggang sa pareho kayong umabot sa edad na siyento-kwarenta.
 


- Nakakatuwang malaman na mayroon kang kaibigang palaging handang makinig sa lahat ng hinaing mo sa buhay; ang hindi lang nakakatuwa, ‘yung mga pinagsasabi mong hinaing sa isang kaibigan nalaman ng buong sambayanan. 

June 11
-Sa isang argumento, kahit alam nating tayo ang mali pinangangatwiranan pa rin natin, kahit alam nating tayo na ang may kasalanan pilit pa tayong nagdadahilan, ‘wag lang tayong mapahiya sa ibang tao at mabawasan ang letseng pride at ego natin. 

-‘Yung halos isang linggong sweldo mo matutuklasan mong katumbas lang pala ng isang pirasong branded na damit at ‘yung isang buwang salary mo kasing-halaga lang pala ng isang malupit na tablet o smartphone.

Kung lagi mong sasabayan ang agos ng moda at teknolohiya, hindi mo mamamalayang nalulunod ka na at sa oras na may emergency kang pangangailangan – mari-realize mo na ‘yung mamahalin mong mga gadget at gamit ay wala naman palang halaga.
 


-Ang iksi na nga ng shorts, nakuha pang itiklop kaunti na lang at lalabas na ang kuyukot.
Sa dami ng nakaganitong suot, malamang ilang panahon pa magkakaroon na rin ng Festival para dito, isabay na rin natin sa Festival ng Varsity Jacket .


-Nagbago na ang Pilipinas, nagbago na ang mundo.
Maraming mga bansa ang mauunlad at nagkaroon ng matinong pagbabago, 'yung mga pilipino hanggang dun lang yata sa pabago-bago ng cellphone.


June 12
- Araw ngayon ng Kalayaan mula sa panunupil ng dayuhan.
Halos lahat ay ginugunita ito sa pamamagitan ng panonood ng NBA Finals ngayong umaga at mamayang hapon o gabi, sa panonood ng Man of Steel naman.

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!


June 14
- Kung tutuusin wala naman talagang taong mangmang dahil lahat naman tayo may kanya-kanyang kaalaman...'yung iba kalokohan at kasamaan nga lang.


- Mineral Water – kahit hindi naman totoong mineral water, ito pa rin tawag ng mga Pilipino sa tubig na nakalagay sa plastik na bote, na ang halaga ay tinatayang 400% na mas mataas kaysa sa orihinal na presyo ng laman nito.
'Yung Teleserye na drama kung mag-umpisa, sigurado na ang ending ay sa aksyon mapupunta.

June 20
-Alin kaya ang tama:
a) Masikip ang traffic dahil may sirang kalsadang ginagawa?
b) Masikip ang traffic dahil may gawang kalsadang sinisira?


- Hindi natuloy 'yung ulan ngayon kasi masama ang panahon... 

June 21
- Habang tumatagal, 'yung mga traffic lights sa bawat intersection parang nagiging dekorasyon na lang sa maraming driver ng Jeep, Tricycle at Kuliglig.
Tapos, 'yung mga traffic enforcer hindi naman sila kayang hulihin at sitahin.

Habang tumatagal, 'yung baha at masikip na traffic sa Kamaynilaan sa tuwing umuulan lalo lang lumalala, para tuloy walang silbi ang mga Flood Control Projects ng gobyerno dahil sa dami ng mga basurang itinatapon natin sa kung saan-saan.
Tapos, sisisihin at magagalit tayo sa gobyerno dahil akala natin wala silang silbi.
Mabuti na lang nag-champion ang Miami Heat, ano ang konek? Wala. Gusto ko lang.
Mas may excitement kasi pag-usapan ang NBA Finals.
 


- "Ikaw naman, lagi namang ako eh!" - pakiusap ng isang bata sa kanyang kapatid sa pag-utos sa kanyang maghugas ng mga baso't pinggan. 

June 25
- Kahit gaano ka pa kabait ‘wag mong i-expect na maging mabait din sa’yo ang lahat ng mga tao dahil may mga taong hindi natutuwa sa’yo kahit gaano pa KABUTI ang lahat ng mga pinag-gagawa mo.

- Bakit may word na “overqualified”?
Ano ‘yun, hindi ka tinanggap sa isang trabahong in-applyan mo dahil ‘yung galing mo sobra-sobra sa expectations ng posisyong gusto mo?!?
 


- 'Pag naranasan mo ang sakit at kirot ng Migraine sasabihin mo sa sarili mo sana nabigo na lang ako sa pag-ibig...

- Pansin ko lang, ‘yung FB parang nagiging source ng tatlong “I”; Inggit, insecurity at Inis para sa ibang tao.  

- In reality, meron naman talagang umiiral sa kasalukuyan na relasyong lalaki sa lalaki o babae sa babae. it’s strange na ang Teleseryeng may pagka-gay ang Tema ay pinapansin dahil sa isyu ng “moralidad” pero hinahayaan lang naman natin ang ibang teleserye o pelikula na may temang Adultery. 

-Kung mayroong Black Beauty dapat mayroon ding White Ugly hindi naman kasi lahat ng maganda maputi, ‘yung iba maputi lang talaga. Pero teka, hindi naman kailangang nang kulay para sabihing maganda ang isang bagay dahil sabi nga; Beauty is always in the heart of the beholder – dahil ang hindi nakikita ng mata ay puso ang makakakita. 

- Dear Migraine,
Ilang linggo mo na akong pinahihirapan – dinaig mo pa ang paghihirap ng isang pusong sugatan.
Nahihirapan na kong magtrabaho, nahihirapan na akong matulog, nahihirapan na akong mag-Facebook at pati ang love life ko ay nahihirapan na rin.
Sana sa susunod na linggo lisanin mo na ako, ang dami ko nang nauubos na gamot dahil sa’yo; tama pala ang kasabihang “mas maigi pang maranasan ang hapdi nang pagkabigo sa pag-ibig kaysa maranasan ang hapdi at kirot ng letseng migraine”.

Nakikiusap,
Ang iyong biktima
 


June 28
- Hindi pa rin ako maka moved-on sa ganda ng istorya nito, kaya gusto kong i-repost:

朣楢琴执㝧执瑩浻牡楧㩮㔱硰执㝧执獧浻牡楧敬瑦瀰絸朣杢㑳执獧扻捡杫潲湵潣潬㩲昣昸昸㬸慢正牧畯摮椭慭敧敷止瑩札慲楤湥楬敮牡氬晥⁴潴敬瑦戠瑯潴牦浯㡦㡦㡦潴捥捥捥戻捡杫潲湵浩条㩥眭扥楫楬敮牡札慲楤湥潴昣昸昸攣散散戻捡杫潲湵浩条㩥洭穯氭湩慥牧摡敩瑮琨灯㡦㡦㡦捥捥捥㬩慢正牧畯摮椭慭敧獭氭湩慥牧摡敩瑮琨灯㡦㡦㡦捥捥捥㬩慢正牧畯摮椭慭敧楬敮牡札散散汩整㩲牰杯摩䐺䥘慭敧牔湡晳牯楍牣獯景牧摡敩瑮猨慴瑲潃潬卲牴昣昸昸䔬摮潃潬卲牴攣散散㬩潢摲牥硰猠汯摩⌠㙣㙣㙣搻獩汰祡戺潬正潭潢摲牥爭摡畩㩳瀲㭸漭戭牯敤慲楤獵㈺硰敷止瑩戭牯敤慲楤獵㈺硰戻牯敤慲楤獵㈺硰执獧搴摻獩汰祡戺潬正瀻獯瑩潩㩮敲慬楴敶执獧搴筮楤灳慬㩹湩楬敮戭潬正漻敶晲潬朣楢琴执㝧执瑩浻牡楧㩮㔱硰执㝧执獧浻牡楧敬瑦瀰絸朣杢㑳执獧扻捡杫潲湵潣潬㩲昣昸昸㬸慢正牧畯摮椭慭敧敷止瑩札慲楤湥楬敮牡氬晥⁴潴敬瑦戠瑯潴牦浯㡦㡦㡦潴捥捥捥戻捡杫潲猠汯摩⌠㙣㙣㙣搻獩汰祡戺潬正潭潢摲牥爭摡畩㩳瀲㭸漭戭牯敤慲楤獵㈺硰敷止瑩戭牯敤慲楤獵㈺硰戻牯敤慲楤獵㈺硰执獧搴摻獩汰祡戺潬正瀻獯瑩潩㩮敲慬楴敶执獧搴筮楤灳慬㩹湩楬敮戭潬正漻敶晲潬

Hindi ko talaga malilimutan 'yung part na sinabi niyang: "札散散汩整㩲牰杯摩䐺䥘" 'yun ang nakakadurog ng puso.
 

* * *
Kitakits ulit, abangan ang susunod na set ng "What's on your mind?" sa susunod na tatlong buwan.

Pag-ibig

$
0
0


Nakahimpil ako sa 'di kalayuan.
Minamalas ang 'yong karilagan.
'Di pinakay na napasulyap sa'kin.
Biglaang nagtama ang ating paningin.

Mata mo't mata ko'y tila nag-usap.
May kung anong nasipat na kakaibang kislap.
Sumilay ang 'yong malalim na biloy.
Na nagmula sa ngiti mong tila may apoy.



Iniabot ko ang may kanipisan kong mga braso.
Upang gawing sandigan sa oras ng pagsuko.
Tumanggi ka dili, at ako'y iyong niyakap.
Lahat nang sa akin ay bukas mong tinanggap.

Inihatid mo ako sa walang hanggang langit.
Pinawi ang pangamba sa tamis ng 'yong halik.
Walang araw na katumbas ay 'di kaligayahan.
Walang puwang ang lungkot sa'ting katauhan.



Isa kang bahaghari sa aking tag-ulan.
Kumulay ng mundong dati'y malamlam.
Isa kang apoy sa panahon ng tag-lamig.
Pumawi sa ginaw na nanunuot hanggang panaginip.

Ang hangin sa naghahabol na hininga.
Ang paningin sa panahong 'di makakita.
Ang himig sa paos kong mga tinig.
Ang tubig sa uhaw kong pag-ibig.



Freestyle

$
0
0


Salamat kay Ate San ng Sa Saliw ng Awit dahil sa kanyang post na Madali raw Magsulatay mayroon akong naisulat. Thanks ulit Ate San. (haha, nakiki-ate)
* * *

Ilang buwan na akong kumahog sa mga isusulat dito sa blog na ito tila naglahong parang bula ang mga ideya, paksa, gigil, passion, tikas, excitement, pagka-astig, pagkahilig sa poetry at kung ano-ano pa na dati'y pakalat-kalat lang sa utak. Dati'y nakakagawa ako ng isang matinong sanaysay sa pagitan ng masikip na traffic sa R-10, o singbilis nang isang pagchange-oil ng sasakyan sa talyer ang paggawa ko ng isang artikulo at ang mga ideyang lumalabas sa akin ay kusang-loob at hindi pinipilit pero ngayon iba na, ibang-iba na.

May pagkakataong higit na sa kalahating oras akong nagtatangkang sumulat hawak ang tablet o nakatanghod sa monitor pero nakapagtatakang wala man lang akong mabuo kahit man lang isang pangungusap. May panahong mayroong nabuong magandang paksa pero hindi ko ito maisatinta dahil nauunahan ng katamaran. At kung sakaling gusto ko nang sumulat dahil sa naipong sipag pansin ko namang pilit na ang mga salitang lumalabas sa aking isip.

Binalikan ko ang mga nagawa kong akda, marami-rami na pala higit sa dalawang daan, may mga interesting na paksa at mayroon ding walang kwenta. Hindi ko alam kung isa ito sa mga dahilan kung bakit may pagkatamad na sa pagsusulat mabuti na lamang bago ito mangyari ay may achievement na ako kunwari sa pagsusulat; nagwagi ng ilang parangal (Kamalayang Malaya 3, PEBA 2012 at Bagsik ng Panitik 2013) at ang isa sa mga pangarap ng blogger - makapagpublish ng sariling libro. Malaking bagay sa akin ang mga ito at alam ito ng kapwa ko sumusulat sa virtual na mundo ng blogosperyo.
Kahit mangilan-ngilan lang ang bumibisita sa hamak kong bahay hindi ito naging rason para hindi pag-ibayuhin ang gana sa pagsusulat.

Para sa akin hindi madali magsulat at kung sino man ang nagsabing madali ang magsulat dapat natin siyang hangaan at kabiliban pero teka dapat ba nating bigyan ng isang paghanga ang isang taong madali sa kanya ang sumulat pero walang 'kwenta' o walang 'saysay' ang kanyang halos lahat ng sinulat? Ewan ko, hindi ko alam.
Hindi sa nagmamahusay o nagmamagaling ako sa pagsusulat kaya lang parang nasasayangan ako sa talento ng maraming blogger, parang marami pa silang magagawang akda na may lalim hindi lang puro himutok, pasaring o pagmamayabang sa buhay. Okay namang magpaskil ng mga ganoon pero 'wag naman sana palagi.
Teka, bakit ba ako nakikialam?!?

Alam ko na hindi lang ako ang dumadaan sa ganitong 'pagsubok', marami ring iba pa at mayroon na ngang iba tuluyan nang nagpaalam sa pagsusulat. Ganito pala ang pakiramdam; nakakapanibago, nakakalungkot, nakakadismaya, umaasa, nakakatamad. Sa tulad kong may passion sa pagsusulat panghihinayangan ko ito kung sakali.

Sa dami nang napakahuhusay na blogger/writer na naglipana sa mundo ng blogosperyo totoong nakaka-intimidate na sila, parang nakakahiyang magpost ng isang entry na akala mo'y kinder pupil ang sumulat! Sa halip na panghinaan ng loob dapat magsilbi itong motibasyon at inspirasyon para sa atin, manghiram ng mga ideya ngunit 'wag magplagiarize, isulat ang nais sabihin dahil kalaunan madedevelop din kung anong taglay mo.

Panahon pa ng Friendster ay mahilig na akong magsulat sayang nga lang at hindi ko nai-save ang mga akdang naipublish ko dun, winalang-bahala ko lang ang notification ng Friendster sa akin na mawawalang lahat ng pictures at blogpost na naroon, sayang talaga.

Kahit kumahog ako sa pagsusulat sa kung anong dahilan hindi pa rin katumbas nito ang paghinto at pagsuko ko dito dahil umaasa pa rin ako na darating ang tamang oras na manumbalik ang lahat ng sipag at gigil ko dito. Sana nga.
Alam ko hindi pa ito ang tamang panahon para magpaalam sa pagsusulat, alam ko marami pang mapipigang latak sa pagal kong utak.

"Cara y Cruz"

$
0
0


Napukaw ang paningin ni Jay sa dalawang babaeng nagbubulungan habang siya'y sumisiksik sa gitnang bahagi ng jeep na kanyang sinakyang patungong Laloma - Retiro.
Kahit wari niya'y siya ang pinag-uusapan ng dalawa wala siyang pakialam dito.
Hindi lang naman kasi isang beses na nangyari sa kanya ito, ang husgahan, pagdudahan at mapagkamalang mandurugas dahil sa kanyang maangas na karakas. Sanay na siya.


Si Jay ay isang tattoo artist na may sariling shop sa Malate.
May kahabaan ang buhok na akala mo'y bokalista ng isang bandang ang tanging makaka-appreciate lang yata ng kanta ay ang mga adik na mahilig magsoundtrip. May dalawang makinang na hikaw sa kaliwang tainga. Sa likod ng suot na imitation na Oakley shades, 'di nakaligtas sa kanyang paningin ang naturang dalawang babaeng animo'y bubuyog kung magbulungan.


Tadtad ng tattoo ang magkabilang braso ni Jay at sa dami ng kanyang tattoo ay hindi mo na halos makita ang larawang nakatinta rito. Sa madaling salita, si Jay ay mukhang marungis sa mata ng mga taong ubod-linis ang tingin sa kanilang sarili, nagpadagdag pa sa kanyang 'pagkamarungis' ang kanyang suot na T-Shirt na may nakalimbag na 'GOOD GIRLS GO TO HEAVEN BAD GIRLS GO TO MY BED'.


Isa ito sa mga dahilan kaya't parating may nakasuksok na earphone sa kanyang mga tainga. Mas minabuti niyang nakikinig ng tugtugin galing sa mumurahin niyang MP3 player kaysa ikainis at ikabad-trip ang panglalait ng mga taong mahilig magmalinis.


Nang makaayos ng upo si Jay nakita niyang hinigpitan pang lalo ng dalawang babae ang yakap sa kani-kanilang mga bag, muling nagbulungan. Sa sikip ng jeep kahit naisin mong dukutin ang iyong cellphone sa bulsa ay hindi mo magagawa, kaya natatawa na lamang siya sa inaasal ng dalawa sa kanyang isip.
"Kung sakali, hindi ko pa man mahablot ang bag ng dalawang laiterang ito siguradong matatalisod na ako bago pa ako tumakbo at makababa ng jeep"aniya sa sarili.
Sa halip na mabwisit at masira ang araw ipinagpatuloy na lamang niya ang pakikinig sa kanyang MP3 player.


Makalipas ang dalawang traffic light bumaba ang isang ale sa Dangwa area. Sakto namang may pasakay na isang lalake - hindi pa lubos nakakaayos ng upo ay humalimuyak na agad ang kanyang bango na nakadikit na yata sa kanyang damit at balat.


May pagkagwapo ang lalake. Kayumanggi ang balat ngunit makinis. Nagpadagdag pa sa kanyang kakisigan ang suot niyang kulay rosas na polo na tinernuhan ng slim fit na maong. Artistahin ang dating, ika nga.
Nakapwesto ito sa pinakadulo ng jeep malapit sa estribo katapat mismo ng dalawang babaeng ginagawang bisyo ang panghuhusga sa bawat malas na pasaherong kanilang napagdidiskitahan.


Muling nagbulungan ang dalawang babae ngunit sa pagkakataong ito ay tila hindi pamimintas o pangungutya ang paksa ng kanilang pag-uusap, halata mo sa kanilang kilos ang pagkakilig na animo'y tila pusang naglalandi sa bububungan tuwing gabi. Lalo pang kinilig ang dalawa nang ngumiti sa kanila ang mamang gwapo, lumabas ang mapuputing mga ngipin na may bonus pang dimple sa magkabilang pisngi.
Bilang ganti'y napangiti rin ang dalawa, halatang nagpapa-cute at tila naghihintay na itanong kung ano ang kani-kanilang cellphone number.


Si Jay ay tahimik lang na nakamasid.
Walang sawang nakikinig sa tugtog na nanggagaling sa earphone na nakasuksok pa rin sa magkabila niyang tainga. Napansin niya ang pagkakilig ng dalawang babae sa bagong sakay na pasahero. Kung kanina'y parang mga matang nakalisik sa hitsura niya ang dalawa, ngayon naman'y may pagkamapungay ang itsura ng mga mata nito habang pasulyap-sulyap sa mamang gwapo.


Binuksan ng babae ang kanyang bag na kani-kanina lang ay mahigpit niyang yakap. Inilabas ang wallet at kumuha ng beinte pesos.


"Mama, bayad po dalawa diyan lang po sa.....Aaay!" hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang maramdaman niyang may humablot sa kanyang bag!
Hinila ng babae ang hawakan nito, nakipaghatakan. Ngunit mahina lang siya kumpara sa lakas ng mamang humahablot sa kanyang bag. Laglag ang babae sa upuan nang pwersahin ng lalakeng makuha ang kanyang bag. Ang kasama naman niyang isa pang babae ay tulala, walang reaksyon at tila hindi makapaniwala sa bilis nang pangyayari.


Tuluyan nang natangay ang kanyang bag ng lalakeng walang takot na naglakad lang habang lumalayo sa jeep na kanyang sinakyan. Sumabay sa makapal na pumpon ng mga tao at maya-maya pa'y naglaho.


Hagulgol na lang ang tanging nagawa ng babae.
Katulad ng mamang bigla na lang naglaho, naglaho na rin ang kanyang bag na naglalaman ng bagong bili niyang cellphone na Nokia Lumia, mga credit card, mga ID, wallet at higit sa walong libong cash na natira sa kanyang huling sweldo.
Sa isang kisapmata wala na ang kanyang bag. Hinablot ng lalake - hinablot ng lalaking mabango, matikas ang porma at gwapo na kanyang hinangaan at nakangitian kani-kanina lang.


Si Jay ay tahimik lang na nakamasid.
Walang sawang nakikinig sa tugtog na nanggagaling sa earphone na nakasuksok pa rin sa magkabila niyang tainga. Nakamasid habang nakikinig sa kantang Who am I?ng Casting Crowns, isang Christian song.
- E N D -

Dust in the Wind

$
0
0


Parang kumpol ng mga bulak na nagmula sa maruming estero ang makikitang nakalatag sa kalangitan.
Sa likurang bahagi naman'y may nakamamanghang mga kidlat na animo'y nagtatalo at nagsasagutan. Nagpapaligsahan sa pagkislap, ayaw magpadaig sa isa't isa.
Maya't maya ang dagundong, maya't maya ang atungal.

Matagal ko siyang minamasdan sa gano'ng kalagayan, hinihintay ang kanyang pagbuhos.
Ngunit nabigo ako.
Walang pagbuhos na naganap. Manapa'y kusang lumisan ang kanina lamang ay mga ulap na nagbabadya at nagbabanta ng malakas na pag-ulan.
Siguro'y nainip.
Nagbunyi ang lahat maliban sa akin.
Unti-unti, lumiwanag ang kalangitan 'di tulad ng aking pag-iisip. Magulo. Malabo.

Pumikit ako.
Tatangkaing limutin ang mga nabigong mithiin, ang mabibigat na suliranin, kahit panandali. Ngunit sumisiksik pa rin sa aking isip ang lahat ng aking mga kabiguan sa buhay, kahit itanggi'y kumukurot pa rin sa aking malay ang lahat ng alaala ng kahapong puno ng kasawian.
Pakiramdam ko'y tinutuya ako ng demonyo. Nakangisi. Nanunukso.

Sa edad kong sitenta y singko'y matagal akong nagtampisaw sa karukhaan.
Sa edad kong sitenta y singko'y tila purgatoryo ang aking naging tahanan.
Sa edad kong sitenta y singko kasama kong magiging alikabok ang lahat ng aking mga pangarap, mananatiling panaginip ang aking mga panaginip at matitigil na sa wakas ang panunumbat sa Langit.

Mahihimlay sa buhangin, tatangayin ng hangin.

Matagal ko nang pinanabikan ang sandaling ito; ang makahulagpos sa pagkakagapos sa tila walang hanggang pagsubok at pagdurusa, ang makalas at makatakas sa tanikala ng paghihirap sa buhay at kamalayan.
Panghabangbuhay. Sa kabilang buhay.

* * *

Ang sumusuot na sinag na nagmumula sa labas ng silid na aking kinararatayan ay hindi nakatulong upang maging maaliwalas ang aking humpak na mukhang kangina pa nakamasid sa kawalan. Nagtatanong. Nagugulumihanan.

Matingkad ang kulay asul na ulap at tila nag-aanyaya sa mga paslit na lumabas at maglaro sa kanyang karilagan. Kainaman ang init ng araw na kung pagmamasdang maigi ay tila may nakaukit na napakagandang ngiti sa kanyang pisngi, sinag na puno ng liwanag, sikat na puno ng pag-asa.

Ngunit walang silbi ang ganda ng araw na ito sa akin, ako na kasalukuyang pinapanawan ng postibong pananaw at nililisan ng matinong pang-unawa.
Ang kakasikat pa lang na araw ay kabalintuanan sa papalubog kong pagkatao.

Ikagagalak mo ba kung ikaw ay nasa ganitong kalagayan?
Masisiyahan ka ba kung ang bawat araw sa iyo'y katumbas nang panibagong pagdurusa?

Tila huli na nang malaman kong ang magarang bahay at marangyang pamumuhay pala ay hindi katumbas ng masayang tahanan.
Tila huli na nang aking matalos na ang pera'y 'di sasapat upang makabili ng 'sang minutong buhay.
Ang malapiging na dami ng pagkaing nakahain sa hapag-kainan ay tila hindi sumasapat sa aking gutom na diwa at kaluluwa.

Alipin ako ng aking pangarap, diniyos ko ang aking yaman.
Hinirang ako ng tagumpay ngunit hinatid niya rin ako sa nakalugmok na kabiguan.
Sa batang edad na kwarenta y kwatro tila ginagapi ng kanser ang lahat ng aking napagtagumpayan.
Kumurap ba ang Diyos kaya ako ngayo'y may taning?
O hinayaan ko ang aking sariling malasing sa kinang ng tagumpay?
Nag-aalala ba ako sa kamatayan o sa mga maiiwan kong kayamanan?

Pumikit ako.
Tila natanaw ko ang anghel na maghahatid sa akin sa langit. Nakabukas ang mga palad na nag-aanyaya. Hindi ko nais sumama ngunit hindi ako makatanggi.

* * *

Lahat tayo kung tutusin ay parang patak lang ng tubig sa malawak na karagatan, parang tuldok na alikabok sa walang hanggang kalawakan.
Walang karapatan ang sinuman na magmalaki dahil lahat ay magiging alikabok lang.

Nagmula sa lupa, magbabalik na kusa.
Nagmula sa wala, patungo sa wala.
Galing sa alabok, magbabalik sa alabok.

Ikaw, ako, tayo kasama ng iyong yabang, yaman, pagdarahop, pangarap, sarap, paghihirap, karamdaman, karangyaan, kabutihan, kasamaan, kapurian, kapintasan, luha, halakhak, lungkot, ngiti, hikbi, mithiin, suliranin, pag-asa, kabiguan, sagot, katanungan, duda, paniniwala, pagsubok, pagdurusa, hinaing, libog, lisya, talento, galing, talino, galit, pag-ibig ng iyong mortal na katawan'y maglalaho, lahat ng ito'y patungo sa alikabok, lahat ito'y tatangayin ng hangin.

Sa takda o 'di itinakdang panahon, lahat ay bibitiw sa pangarap, iiwan ang buhay. Gaano pa man kasarap, gaano pa man kahirap lahat ay may katapusan.
Harapin ang katotohanan ikaw ay alikabok lang. Wala kang karapatang magmayabang.
Harapin ang kamatayan ikaw ay tuldok lang. Lahat nang nasa iyo'y ito rin ang hantungan.

Itanggi mo man...
Tayong lahat ay hahalik sa lupa, gaano man tayo kataas. Ibabagsak, gaano pa man kalakas.
May hangganan ang lahat, may hangganan ang buhay ngunit ang langit, ulap, araw, hangin, ulan, kidlat, kalawakan, ang lupa at karagatan ay mananatili kailanman. Magunaw man sila hindi mo na ito mararanasan.

Matupad man o hindi ang ating mga pangarap darating ang araw na tayo'y magiging alikabok lang.



* * * * *
Don't hang on, nothing lasts forever but the earth and sky
It slips away, all your money won't another minute buy

Dust in the wind, All we are is dust in the wind

 


May Sayad

$
0
0


"'Tangna ka wala kang silbi."

Nakita kita sa SONA kahapon nakangiti ka pa. Kuntodo palakpak sa bawat pang-uuto ng pangulo. At ang gara ng suot mo Barong Tagalog na yari sa Piña! Putsa, ang mahal siguro niyan saka mukhang kagalang-galang ka kahit alam ng mga taong manggogoyo ka.
Siguro rumampa ka rin sa red karpet kasi 'di ba espesyal at importanteng tao ka? 'Kinangina mo hindi ka na nahiya sa pagmumukha mo! Kung espesyal at importanteng tao ka ano na ang tawag sa aming busabos?!? 


Malabo talaga ang mundo Dre, akalain mo 'yun ikaw may lisensya kang kulimbatin ang milyon-milyong putanginang pork barel pand na 'yan tapos kagalang-galang ka pa samantalang ako nung ninakaw ko ang isang kaha ng Malboro sa tindahan ni Mang Kanor todo-gulpi ang inabot ko. Naospital pa nga ako dun eh. Naalala ko pa 'yung nars na umasiste sa akin nun, ambait-bait kahit alam niyang patay-gutom lang ako at taga-iskwater ginamot niya ako hindi tulad mo, ulol ka. 
Ang dami-dami mong pera pero ang damot-damot mo tanda ko pa nung minsang humingi kaming abuloy sa opisina mo dahil sa namatay kong pinsan pinagtabuyan mo kami, sabi mo iskam lang namin ang manghingi. Tsk tsk. Hiyang-hiya naman ako sa'yo kahit hindi ako nag-aral na gago ka alam ko 'yung Pertilasyer pand. Hindi ka marunong magsher ng blessing. Shet.


Pakanta-kanta ka pa ng "Lupang Hinirang" hindi ka na nahiya sa balat mo, hindi ka ba kinilabutan nang sabihin mong "ang mamatay nang dahil sa'yo'? Sa pagkatalo nga sa eleksyon takot ka eh, mamatay pa?


Pero bumilib ako sa'yo nang nakita kitang sumabay sa dasal at nag-sayn op da kros, madasalin ka pala! Ano ba ang pinagdadasal mo? Pinagdadasal mo bang 'wag manakaw ang mga ninakaw mo? O 'wag kang mahuli sa mga kalokohan mo?


Dati nung bago ka pa lang maliit pa ang tiyan mo saka mukhang matino ka pa nun aydol pa nga kita dati eh, pero ngayon ang laki-laki na ng kaha mo sumasabay yata 'yang ulo mo sa paglaki ng tiyan mo, pero kahit mukhang lagi kang busog ang siba mo pa din, hindi ka ba marunong mabusog? 


Nagtataka lang ako sa'yo kasi dun sa baranggay namin wala naman sa mga tropa kong may gusto sa'yo pero nanalo ka pa rin. Tarantado rin kasi 'yang si Kap parang asong uto na sunod-sunuran sa lahat ng sasabihin mo, sukat ba namang mamigay ng tiglilimang-daang piso sa bawat botante sa amin. Eh bobo at tanga nga di ba? Siyempre ikaw ang iboboto nila, tangina talagang buhay 'to tapos magrereklamo kasi hindi raw makaaahon sa kahirapan. 
Pakshet kayo.


Tinititigan kitang maigi habang nakapokus sa'yo ang kamera, mukha ka namang magaling at matalino ka rin sabi ng marami. Iskolar ka nga di ba? Nakita rin kita minsan makipagdebate sa Kongreso putangina lang! Kahit hindi ko naiintindihan 'yung mga pinagsasasabi mo dun alam ko ang galing mo! Hanep 'yung mga inggles na binitiwan mo dun talagang nakakawindang parang tumira ko ng 'sangboteng solbent pagkatapos ng ispits mo, palakpakan lahat, pati ako! 'Tangna kongresman ka kaya namin, wi ar paking prawd op yu.


Pero tangina naman kung ganyan din lang ang depinisyon ng ng magaling at matalino pipiliin ko nang maging tanga at bobo habangbuhay, baket? May prayd kaya ako.

Sa tingin ko hindi ka bagay diyan sa Batasan mas bagay sa'yo nasa loob ng bilibid sa dami ng kagaguhan at kabalastugan na pinaggagawa mo o kaya samahan mo ako dito. 'Kinangina, ang dami nating magiging katropa dito, palagay ko nga mas malala pa ang sayad mo kaysa sa akin. 
Nagtataka nga ako kung bakit ako nandito eh, kaya ko lang naman kinatay 'yung pusa ni Aling Jill kasi wala akong pambili ng peborit ko na petutsini o bip salpikaw. Pakshet sila. Hindi ako baliw. Gusto kong sabihin na selp depens lang ang paggulpi ko kay Gary Balensya, sinita ko lang naman siya kasi nakakabulahaw na 'yung 'kinanginang boses niya, hatinggabi na kanta pa ng kanta ng 'Gib mi a rison'. Siya kaya ang naunang nanuntok eh 'di ihampas ko sa ulo niya 'yung mayk, hindi ko naman sadya na tumama 'yung ulo niya sa kanto ng bidyoke. 

Tapos 'pag nandito ka na gago ka igaganti ko ang sambayanang pilipino gugulpihin kita ng todo pero hindi kita papatayin dahil mas gusto ko mag-istey ka dito sa mental ng isandaang at limampung taon. Pero malabong mangyari 'yun, 'tangina para sa'n pa't naging kongresman ka kung hindi mo kayang bilhin ang batas.


Ako, 'pag nakalabas ako rito? Kunwari magpapakatino ako, kakaibiganin ko lahat ng taga-baranggay namin 'tas kakandidato ako kahit kagawad lang muna, 'tas tserman, 'tas kongresman - para magkaroon din ako ng milyon-milyong pork barel pand. 
'Tangina sawa na ko sa kahirapan!

Muntik ko na makalimutan, sikmura pala muna bago ang prayd.

Ghost of Yesterday

$
0
0



Disturbed.
Feels like I’ve been used.
Deranged.
Alone, lost and confused.


Feared.
Paranoid as it can be
Obsessed.
Once heard her “sorry”.


Haunted.
By the ghost of yesterday
Slaved.
By every word she says.


The word that has been abused
Is the word I always long to hear.
Numbed with the excuses
Blinded by the unknown fear.


First Quarter: What's on your mind? 1/2

$
0
0

"What's on your mind?"
Ito ang bubungad sa atin 'pag log-in mo ng iyong account sa Facebook. 
Ano ba ang nasa isip mo?
Isa ka ba sa maraming tao na nahihiyang i-post ang saloobin? O katulad mo ako na walang takot/walang-hiya na magpost ng kanyang lahat na iniisip?


Kung magpo-post ka ng isang status 'wag ka gaanong mag-expect ng maraming likes o maraming comment, makuntento na tayo na nai-express natin kung ano yung gusto nating sabihin. Marami naman talaga tayong "friend" sa FB na hindi tayo friend kung ituring na for some reasons eh nai-add natin sila sa ating list of friends.
Hindi lang natin alam baka naaasiwa o naiirita na sila sa mga ipinu-post natin (kahit wala naman silang dahilan para mairita). 
Hinay-hinay sa pag-post ng mga negatibo at maanghang na komento, nagri-reflect ito sa ating pagkatao at nakaka-attract din kasi ito ng negative vibes sa ibang tao.

Sa katulad kong blogger na may malikot ang utak at hindi nahihiyang i-post ang kanyang naisip na kwento/quotes/kabalbalan; nais kong ibahagi ang ilan sa mga FB post ko from January until March.
Sa pagbasa ninyo ng mga post na ito more or less ay may idea ka na kung anong klaseng personality meron ako. :)

January 4
-May bago na kong OJT start na siya ng Monday, siya lang ang nakapasa sa kaisa-isa kong requirements: LIBERATED.

-Ang tunay na kaibigan daw hindi nababayaran pero ang best friend ko hanggang ngayon hindi pa ako tapos magbayad ang pangalan niya: MORLOCK. Isa siyang Siberian

January 30
-Naniniwala rin ako na kapag may alak, may balak... 

-Gusto kong mapanood sa Magpakailanman ang istorya ng buhay ni Charo Santos.
 
-Ikukulong pala si Carlos Celdran sa kasong pambabastos sa kaparian, bakit ung mga paring nanghahalay ng kabataan wala akong nabalitaang ikinulong? Ba't ganun?!? 

January 31
-Naisip ko lang, parang sayang ang minting & production ng 5 cents & 10 cents...naiipon lang at hindi nagagamit, 'yun ngang kapitbahay namin ayaw tanggapin ito sa tindahan.

-Ang tunay na pag-ibig ay hindi sinusukat sa panahong kayo ay bata pa at maganda, hindi sa panahong kayo ay labis na masaya at masagana, hindi sa panahong pareho pang makinis ang inyong balat, hindi sa panahong masasarap pa ang inyong pagniniig sa gabi, hindi sa panahong wala ang mapanghalinang tukso at lalong hindi sa panahong wala kayong karamdaman at problema.

Dahil ang tunay na pag-ibig hindi lang puro sarap at kasiyahan kundi kasama rito ang hirap at kalungkutan.
Ang tunay na pag-ibig hindi nagugupo ng pagsubok, hindi pinagbabago ng panahon...




February 1
-Ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay mo ay ang patuloy na pagkapit, paglakad at pagtawid sa tulay ng pag-asa sa gitna ng karagatang puno ng unos, pagsubok at problema.  

-Gusto kong i-define ang "reunion" at "get-together" sa maruming paraan, ito ang naisip ko:
REUNION - isang pagtitipon kung saan muling nagkikita-kita ang dating magkakaeskwela, magkakaibigan at magkakasintahan pagkalipas ng matagal na panahon, isang pagtitipon kung saan nagigising ang dati nang natutulog na pag-iibigan, kung saan ang ILAN ay inilalapit ang sarili sa kapahamakan sa pagbubukas ng pintuan patungo sa pangangalunya at kataksilan.

 
February 4

-Lahat daw ng bagay may dahilan.
Minsan, kahit wala namang dahilan hinahanapan pa rin natin ito ng kadahilanan para lang mapunan ang maliit na espasyo sa ating isipan na lahat ay may dahilan.
Ngunit minsan, hindi naman natin kailangan ng kongkretong dahilan para magmahal dahil madalas; ang ating puso hindi tumatanggap ng dahilan, hindi kumikilala ng katwiran.


-Kahit lumabo man ang mata ko pagdating ng ilang mga taon, sisiguraduhin kong malinaw pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo... 

-Hindi mo kailangang maging magaling sa ingles para malamang ang birdflu ay past tense ng birdfly.

February 5
-Ang nakakakaba sa salitang "kumusta na?" ay ang kasunod nitong..."favor naman oh".

-Minsan, kailangan nating kalimutan ang gusto natin para maalala natin kung ano 'yung nararapat para sa atin.

-Kung maganda ang tingin mo sa isang pangit na bagay/tao, tatlo ang maaring dahilan nito
a) isa kang malupit na artist
b) nabulag ka ng pag-ibig
c) pangit lang talaga ang taste mo


February 6
-Hindi naman wiper ang mga kaibigan na kakailanganin mo lang sa tuwing may ulan

-Mabilis na lumilipas ang panahon. Dati, ang dami-dami kong kailangan, ang dami-dami kong gusto...ngayon ikaw na lang ang kailangan ko, ikaw na lang ang gusto ko. 

-Napost ko na ito dati, uulitin ko lang:
"Kung ang pagnanakaw ay isang uri ng Sining, Tambak ang ating National Artist".


-"Tiwala sa Tiwali" - Ang walang hanggang paghahagilap ng mga Pinoy sa mapagkakatiwalaan na sinusuklian naman ng katiwalian ng makapangyarihan.

February 7
-Sana dumating ang panahong hindi lang dugo ang naido-donate, pati taba na rin para hindi na gaanong nahihirapan ang mga kababaihang mag-diet saka mag-gym.
Hindi na magastos, hindi pa masakit sa katawan.
 


-Sa ating buhay; lahat tayo ay mayroong lihim na ‘di maisiwalat, pagkakamaling napagsisihan, pangarap na ‘di maabot at pag-ibig na ‘di kailanman malilimot.

-Hindi rin biro ang pumorma, na kailangan mong isuot ang iyong varsity jacket sa gitna ng tag-init...

Kailangan ng araw para umulan.
Kailangan ng ulan para magkabahaghari.
Ang bahaghari…kailangan ng araw, kailangan ng ulan.
Tulad nila, kailangan nati’y kalinga, pag-ibig, pagmamahal.


February 8
-Bili tayo ng bili ng gadget tapos nagtataka tayo kung ba’t tayo gipit na gipit.

-Sana lahat ay may paniniwala na; dapat ay mag-ipon muna bago mag-iPhone, pang-enroll muna bago ang DLSR at pang-equity muna bago LED TV.
‘Pag na-set mo na yung priorities mo saka mo na bilhin ‘yung mga gusto mo, ‘wag gaano sumabay sa agos ng teknolohiya baka iyon ang ikalunod mo.
Mas masarap pa rin ang pakiramdam nang naghuhulog ka ng monthly amortization sa PAG-IBIG kaysa monthly installment sa Credit Card.
.
 
 
  

February 15
-Hindi mo kailangan ng malinaw na mata para makakita ng maganda kailangan mo lang ng pag-ibig liliwanag na ang lahat nang nasa iyong paligid.

February 16
-Eksena kahapon ngayon ko lang naalala...
Sa kanto ng A.Bonifacio Ave. at Maria Clara St. sa Sampaloc, Manila. Nakahinto ang lahat dahil red light, may Traffic Enforcer sa gilid ko; nagbaba ako ng salamin at nagtanong kay Manong Traffic Enforcer.

Ako: Manong, hindi ba one way 'yang kalsada na 'yan? (itinuro ko ang Maria Clara St.)
Enforcer: Yes sir, bakit?
Ako: eh bakit hindi niyo sinisita yung mga tricycle driver na sumasalubong?!?
Enforcer: sinisita naman sir!
Ako: ayun o, may tricycle na sumalubong sitahin mo nga!
Enforcer: umalis nang bigla at parang hindi ako narinig...


Ayus. Hindi ko alam kung nabasag ko siya o ako ang nabasag niya. :-)


February 18
-Ang bawat pagluha ay may sariling rason, ang bawat pag-ngiti ay may sariling panahon.
Ang bawat pagbagsak ay isang paghamon na dapat tumbasan ng isang pagbangon.
Ang bawat gabi ay may katumbas na umaga na ikaw ang guguhit kung pangit o maganda.


-Ang problema sa parating nagbibigay ng tulong ay ang katanungang; sino ang malalapitan kung dumating ang panahong ikaw naman ang mangailangan nito…

February 19
-“Kahit ano” – ang madalas na sagot sa tanong na: “Anong gusto mong ulam?” na madalas din ay hindi naman nagugustuhan ‘pag naluto na ang “kahit anong” ulam. 

-School Field Trip – isang “makabuluhang” activity outside the school na in-organisa ng school administration para sa mga estudyante nito; pero walang direktang pananagutan ang eskwelahan kung sakaling may mangyaring aksidente o sakuna sa mga bata katulad ng pagkamatay ng dalawang estudyante ng Holy Spirit Academy noong nakaraang linggo;
- isa rin itong source of income ng school na itinatago sa adjective na “EDUCATIONAL”.
 


-Kung wala ka nang maisip na dahilan para ngumiti, maghanap ka ng ngiti sa ibang mga labi baka sakali… hindi mo na kailanganin ang anumang dahilan para sumilip ang sarili mong ngiti. ☺

February 20
-May mga pangyayari sa buhay natin na parang pinupunit ang ating damdamin at pinipilas ang ating bawat kalamnan ngunit kung ‘di natin ito matutunang lampasan at ‘di papansinin ang araw sa likod ng mga ulap, mananatili tayong nakamasid lang at nakatayo sa gitna ng rumaragasang ulan.  

-Hindi naman gaanong mahalaga kung saan ka nagtungo, ang higit na mahalaga ay kasama mong naglalakbay ngayon ang taong may halaga sa iyo.

-Ang problema sa salitang "Sorry" ay ang pagbibigay sa mga tao ng maling mentalidad na ang lahat ng pagkakamali ay kayang maresolve ng isang salita lang.

-Ayus talaga si Sen. Mirriam.
"Kung mahal mo ang isang tao , ipaglaban mo; kung dalawa ang mahal mo, paglabanin mo."
 

February 21 
-Magbabago ang isip natin pero ‘di kahulugan nito na magbabago na rin ang ating nasa puso’t damdamin.

February 22  
-'Pag may sipon ka pala hindi sasapat ang pag-ibig para makahinga ka nang maluwag sa dibdib.

-May magtatanong pa ba kung takot tayo sa China o Malaysia eh si JPE lang hindi natin kaya...

-Walang kuryente. Maulan.
Hindi ko alam kung nagkasundo ang ulap at MERALCO para ako'y pagkaisahan.
Madilim. Tahimik.
Naisip kong pag madilim at masyadong tahimik kumukurot ang lungkot.
Pero naisip ko din mas okay nang madilim ang paligid kaysa madilim ang buhay at pag-iisip.
 


-Nag-announce na ang PAGASA na ang kasalukuyang ulan ay hindi dahil sa bagyo o LPA kundi dahil sa pakikiramay ng langit sa mga nabigo sa pag-ibig.

-Klase lang naman ang sinuspindi 'yung pagmamahalan hindi pa..

February 23 
-'Wag mo ipilit sa ibang tao ang gusto mo dahil maaring hindi nila ito maibigan, ang bawat tao ay may kanya-kanyang standard o pamantayan sa buhay; ang okay sa iyo pwedeng hindi okay sa kanya, ang maganda sa iyo maaring pangit pa sa kanya, ang kasiyahan mo hindi sasapat sa iba para sila'y mapasaya pero isa lang ang sigurado...Hangga't patuloy na tumataas ang standard mo sa buhay hindi ka na mapapangiti sa mga simpleng bagay lang. :-) 

February 25
-Kung pwede lang na ang buhay ay parang Facebook, kung sino lang ‘yung nakalistang kaibigan mo ‘yun lang pwedeng magkomento.

-(Halos) Lahat tayo ang mindset ay; Hanapin at gawin ang mga bagay na nagpapaligaya sa ating buhay pero okay din naman kung…Hanapin at alamin natin ‘yung mga bagay na nagpapagulo sa ating buhay tapos ‘wag nating gawin.

February 26
-At kapag nawala na ang lahat-lahat sa'yo, doon mo pa lang malalaman kung ano ang pinakamahalaga sa buhay mo...

-Minsan nakabubuti ang pagkakaroon ng mabigat na problema dahil dito nalalaman ang iyong tunay na kaibigan.
Minsan nakabubuti ang magpalinlang dahil dito natin mararamdaman ang tunay na nagmamalasakit.
Minsan mapipilitan kang magsinungaling para sa ikabubuti ng mas nakararami.
Minsan mapipilitan kang magsawalang-kibo para hindi lumala ang magulo nang sitwasyon.
Minsan mapipilitan kang magdamot para hindi maabuso ang 'yong kabaitan.
Minsan mapipilitan kang magtanga-tangahan para alamin kung sino ang mas tunay na tanga.
Pero dapat minsan lang...
 


-Maaring hindi naman makakaapekto sa buhay ang pagtanggap natin sa mga taong nagkamali sa atin pero ang hindi natin pagtanggap sa isang taong TAMA at dapat para sa atin ‘yun ang higit na makakaapekto sa buhay natin…ang problema, hindi natin alam ang sakop at ang laki nito para mabago ng husto ang ating buhay.

February 27
-Magmahal. Mabigo. Muling magmahal.
Maaring masaktan ka ng paulit-ulit dahil sa letseng pag-ibig pero kailangan nating magmahal dahil ito lang ang tanging paraan para mailahad ng kumpleto ang istorya at kasaysayan ng ating buhay.
 
 


-Kung gusto ng isang tao maging bahagi pa siya ng buhay mo dapat gagawin niya ang lahat para mangyari ito, dahil hindi sasapat ang puro salita lang.

February 28
-Kung hindi mo na gusto - sabihin mo, kung hindi mo na kailangan - bitiwan mo, kung hindi mo na mahal - ipaalam mo, hindi 'yung paaasahin mo na kayo pa din hanggang sa dulo; bakit ba marami ang hirap na sabihin ang salitang "babay"?
Eh, ang dali kayang magsabi ng babay, ♪♫♪♫♫, ang dali kayang magsabi ng babay, ♪♫♪♫♫, ang dali kayang magsabi ng babay, ♪♫♪♫♫, B-A-B-A-Y.
 
 


-It’s not that I wasn’t know English in very good. Fyi, I also known English and I think I am very expertise on that said dialect too but I am more comfort in posting Tagalog statuses rather than English. It’s also because I does not have foreign friends to please their.
So don’t expect mine to post English status too much ‘coz me also assumes that you would not understand my thoughts in English& some people’s intelligence wasn’t enough to equal my above-average knowledge.
And this is the enough proofs that I am good in englishing.
 


-Hindi naman kailangan ng Pag-ibig ng mga pangako at dahilan; ang kailangan lang ng pag-ibig…dalawang taong nagmamahalan.

First Quarter: What's on your mind? 2/2

$
0
0



March 1

-Maari kang mapatawad at mabigyan ng ikalawa o ikatlong pagkakataon pero asahan mo hindi na nito kayang pantayan ang naunang pagtitiwala...  

 
March 4

-Minsan, akala natin nakikinig sa mga hinaing mo ang ilang kaibigan pero madalas ‘di natin alam binibigyan na pala natin sila ng pagkakataon para tayo’y kanilang mahusgahan. 

 
-Naisip ko lang si Maya Dela Rosa, pwede ng Patron Saint ng mga yaya.

 
-Hindi kayang supilin ng kadiliman ang kadiliman, liwanag lang ang may kakayahan nito.
Hindi kayang magapi ng galit ang isa pang galit, tanging pag-ibig lang ang katumbas nito.


 
March 5:

-We are all God’s creation don’t act like you are a god!
Respects beget respect and educate yourself with humility not humiliation.
‘Coz the embarrassment after the arrogance is the biggest humiliation a person can experience.
Sana maisip natin ‘yan…


 
-Life goes on no matter what; pero malaki ang naging epekto ng kahapon sa kasalukuyan nating buhay. Maari tayong magbigay ng kapatawaran pero hindi mo kailanman malilimot ang sugat at sakit na hinatid ng nakaraan. Minsang sasagi sa isip mo ang alaala ng malungkot na kahapon at bigla ka na lang isasadlak nito ng walang pasintabi.
 

-Kahit pinakamalupit na astig naigugupo rin ng suliranin at ng ilang alalahanin; lahat naman tayo may problema, iba-iba lang ang paraan ng pagresolba natin. Ang mahalaga; ang pag-ahon sa bawat paglubog, ang pagbangon sa bawat pagdapa at ang paggising sa bawat umaga. Matutong lumaban at 'wag magpasindak sa multo ng isang kahapon.   

 
March 7

-Breakfast, Office, Coffee, Email, FB, Worksheet, FB, Worksheet
Lunch, Eat Bulaga, Nap
Email, FB, Worksheet, Snack, FB, Worksheet, Coffee, Worksheet, FB, Email
Repeat until fade…Bukas tanggalin ko na ung worksheet para maiba naman. 


 
-Sa likod ng bawat paglubog ng buwan ay ang pagsikat ng araw na puno ng pag-asa.
Kahit minsan ay may bahid ng lungkot ang ating pag-ngiti, mapapawi din ito kahit unti-unti.
Hindi man palaging magpakita ang bahag-hari pagkatapos ng bagyo, hihinto at hihinto din ito at sisilip sa wakas ang masayang araw na kasama mo.


 
-Dapat bang palayain kung bilanggo ng Pag-ibig?
Dapat bang sagipin kung nalulunod sa pagmamahal?


 
March 8

-Dear Ms. Arlene,
Maari tayong mabuhay ng walang pag-ibig pero hindi natin kayang mabuhay ng walang tubig.
Magbayad ka na ng water bill may disconnection notice na po kayo.

Naniningil,
Asian Land Strategies 
 
 


 
March 12

-Madali lang namang magsabi ng babay, ang hindi madali ay 'yung mamiss mo yung presence ng taong pagpapaalaman mo. 

 
March 14

-Ba't maraming nagkokomento sa isang picture ng "ang ganda, ganda mo naman" tapos 'pag titingnan mo hindi naman pala maganda. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang depinisyon ng maganda. 

 
-Sa dami nang nakasauot ng varsity jacket, pwede ng magkaroon ng Festival para dito.

 
March 15

-Kapag espesyal sa’yo ang iyong kausap at kasama, kahit pinakawalang kwentang paksa ang pinag-uusapan niyo nagiging interesting at mahalaga.  

 
March 18 

-Hindi porke’t gusto natin dapat na nating makuha, may mga bagay kasing hindi nararapat na mapasa-atin dahil magdudulot ito ng komplikadong resulta kung ating pipilitin. 

 
-Ayoko talaga ng mga matatamis na pagkain, ang gusto ko lang na matamis 'yung pagmamahalan.

 
March 19  

-Just the thought of being separated from the people that you've been with for the longest time, nakakalungkot na agad 'yun.  

 
March 20   

-Gusto ko pa naman dati si Heart ngayon ayoko na, sigurado aapihin din ako ng magulang nun. sayang mukhang bagay pa naman kami. 

 
-Hangga't hindi mo nakikita ang pangalan mo sa Obituary 'wag ka mawawalan ng pag-asa. 

 
March 21

-Hangga't kaya mo, 'wag mong gawing priority ang mga taong second option ka lang para sa kanila 'pag patuloy mong ginagawa ito pinapayagan mong maging katawa-tawa ang sarili mo sa paningin ng iba.  

 
-Huwag masyadong mayabang kung sino ka at ano ang iyong napagtagumpayan dahil pagkatapos ng laro na kung tawagin natin ay "buhay", lahat tayo ay ilalagay lang naman sa isang parisukat na kahon. 

 
-Ang nakakapangamba sa salitang "Hi!" ay ang posibilidad na "goodbye" sa panahong hindi mo inaasahan. 

 
March 22

-Ang totoong tao ay hindi perpekto, ang perpektong tao ay hindi totoo; kaya 'wag ka maghanap ng kung ano-ano para lang ma-satisfy lahat ng kagustuhan mo.

 
-Sobrang naiinip ako, ito na yata ang tinatawag na FOREVER.

 
March 23 

-Once upon a time, there was a husband and wife having a no non-sense conversation...   
Limarx: Bakit mo ba ako mahal?
Arlene: Mahal kita kasi may kotse ka, eh ikaw ba't mo ko mahal?!?
Limarx: Mahal kita kasi may gas allowance ka!
(In unison) Limarx & Arlene: Ah!

And they live happily ever after...



 
-Hindi madali ang mabuhay sa mundong puno ng rules, regulations at mga mechanics na produkto lang ng imahinasyon; ang dami nang bawal sa mundo at kung pipigilan pa natin ang ating mga sarili sa mga bagay na gusto nating gawin (pero hindi naman ipinagbabawal) dahil natatakot tayo sa sasabihin ng mga taong mapanghusga katumbas nito ang pagpigil sa sarili nating kasiyahan.  

-Kung bakit ang tao ay hinuhusgahan ayon sa kanyang panglabas na nakikita o base sa madilim na nakaraan (na walang sapat na batayan) ay hindi na yata maiiwasan pero sana, sana lang…sa tuwing magbibitaw tayo ng masasamang salita sa ating kapwa; isipin at itanong muna natin sa ating isip kung may buti bang idudulot ito sa ating sarili.  

 
March 27
-Kung gusto mong makakita ng magandang rainbow... dapat may kaunting ulan.
Kung gusto mo ng makaranas ng masarap na pagmamahal...dapat may kaunting sakit.
Ganun talaga, para ma-appreciate mo ang mga bagay-bagay dapat mayroon ka ding sakripisyo. :) 


* * *
Ang post na ito ay parang Shake, Rattle & Roll na movie lang hindi natatapos puro sequel lang, kaya abangan ang mga karugtong sa susunod na tatlong buwan. 

Love, Sex & Lies

$
0
0



Ang pag-ibig ay hindi basta sex lang at ang sex ay hindi pwedeng ikonsiderang isang Pag-ibig.
Maari tayong mabuhay ng walang sex ngunit hindi tayo mabubuhay ng walang pag-ibig.
Kung sex lang ang siyang sukatan sa isang pagsasama mas malamang na hindi ito magtagal 'di tulad ng sa pag-ibig; kung ito ang naghahari sa ating mga puso mananatili ito nang tila walang katapusan o hanggang sa huling hibla o singhap ng ating mga hininga.

Masarap ang sex. Kung sino man ang nagsabing hindi ito masarap ay malamang hindi pa natikman ang kakaibang sensasyon at kiliting ibinibigay nito sa isang indibidwal.
Masarap ang umibig. Kung sino man ang nagsabing hindi ito masarap ay malamang hindi pa naranasan ang kakaibang kilig at kaligayahang hatid nito sa bawat taong umiibig.
Pero wala nang sasarap pa kung ang sex at pagmamahal na kailangan mo ay nasa iisang katauhan lang at mas sasarap pa ito kung pareho kayong may gana para dito sa tuwing ito'y inyong ginagawa nang walang pilitan o walang pakiusapan.

Marami ang gumagamit ng pag-ibig para makapag-take advantage at makuha ang sex na inaasam. Pero kahit kailan hindi dapat gawing batayan ang sex para sa isang wagas na pagmamahalang matatawag. Isang malaking kaululan na para mapatunayan ang isang pagmamahal ay sa pamamagitan ng sex lang dahil maraming bagay ang makapagpapatunay sa tunay na pagmamahal.

Maaari kang makipagsex ng walang pagmamahal pero maaari ka ding magmahal ng walang sex. Minsan sila'y magkadugtong at magkaugnay pero hindi kailangang sila'y iisa. Ang sex at ang pag-ibig ay kayang linlangin ng isang dalubhasa sa kasinungalingan.
At sa mundong puno ng kasinungalingan ay gagawin ng tao ang lahat para lang makuha ang kanyang inaasam. Uulitin ko, ang pag-ibig ay hindi sex at ang sex ay hindi pag-ibig. Paano kung ang iyong mahal sa buhay ay wala ng kakayahang makipagsex, iiwan mo ba siya dahil sa pangangailangang seksuwal?
Paano kung pagod sa trabaho o walang ganang makipagsex o sa simpleng dahilang ayaw niya, dahilan na ba ito para ikaw ay mangalunya?
Ngunit kung mas nananaig ang pagmamahal at pag-ibig kaysa sa pangangailangang seksuwal mas malawak mong mauunawaan na ang pagsasama at pag-aasawa ay higit sa sex lang.

Ang pagkahumaling sa sex na halos dito na nakasentro ang iyong mundo ay kulang sa pagmamahal. Hindi ka makokontento sa kung sino man ang karelasyon mo ngayon kung ang hanap mo lang ay ang sarap ng sex at hindi ang sarap na hatid ng isang pag-ibig. May mga taong magaling magbalat-kayo na maari mong mapagkamalang may pagmamahal ang kanyang paglalambing at panunuyo ngunit pagkatapos na makuha ang iyong kapurian hiwalayan ang kahihinatnan nito. Ngunit sadyang ang kasinungalingan ay hindi kaagad nasusuri at mauuri na kahit ang pinakamatalino o pinakamautak na nilalang ay kayang igupo o linlangin ng huwad na pag-ibig. At kapag ikaw ay tuluyang nalunod sa kasinungalingan baka ito na rin ang simula nang pagkasira ng iyong buhay at kinabukasan. At ito ang isa sa kahinaan ng kabataan sa ngayon; ang kasinungalingan ay napagkakamalang pag-ibig na patungo sa masarap na pagniig at hindi alintana ang susunod na dulot na panganib.

Magugulat ka pa ba kung ang mga kabataan ngayon ay matuturing na bihasa na sa sex? Na sa edad na katorse ay alam na nila ito at walang pakialam at walang pakundangang ginagawa ito ng walang kaukulang pag-iingat. Nagbago na nga ang mundo dahil ang mga ganitong gawain noon ay isang sagrado at hindi pa bulgar ngunit sa modernong panahon ay sumasabay na rin ang kabataan sa pagiging moderno; pangkaraniwan at talamak ang pakikipagsex ng mga kabataan sa kani-kanilang kapartner. Hindi alintana ang responsibilidad na nakaakibat dito sakaling "makadisgrasya". Isa rin marahil ito sa dahilan kung bakit umaabot sa halos kalahating milyong sanggol ang ipina-aabort kada taon. 'Wag ka na ring magtaka kung sakaling madagdagan ang bilang na 'yan sa dami ng mga kabataang mapusok at walang takot. Mahirap sabihing ito'y maling pagpapalaki ng magulang dahil walang magulang na ninais mapahamak ang kani-kanilang mga anak.

Nakakaawa ang kabataang ipinipilit na ipakasal ng mga magulang dahil sila'y nabuntis o nakabuntis. Hindi natatapos sa pagpapakasal ang problemang hinatid ng mapanuksong sex. Sa sobrang liberated ng mga kabataan ngayon ay bukas sila sa mga usaping seksuwal at walang takot na isinasagawa ito sa kani-kanilang BF/GF ng walang proteksyon. Oo, alam na nila ang sex pero ano ang alam ng mga kabataang ito sa pag-ibig? Ano ang alam nila sa pagpapamilya sa sandaling sila'y makabuntis/mabuntis?
Kung makikipagsex maging responsable. Hindi sagot ang pagpapakasal kung pagkakabuntis lang ang dahilan at lalong hindi solusyon ang sapilitang pagpapalaglag ng sanggol na sa sinapupunan ng kabataan.
Kung kasalanan ang pakikipagsex sa hindi asawa higit sigurong kasalanan ang pumatay ng sanggol na walang kinalaman sa ating kapusukan. Masarap ang sex pero may kaakibat din itong paghihirap kung hindi ka lubos na mag-iingat.

Dapat na laging manaig ang pag-ibig kaysa sex dahil ang tunay na pagmamahal ay may paggalang. Hindi tamang pagmulan ng isang alitan ang pagtanggi ng isa sa sex muli, hindi tamang gawing batayan ang sex para patunayan ang pagmamahal at lalong hindi tama ang panunumbat dahil lang sa pag-ayaw sa makamundong masarap na sex. Sa kabilang banda, ayon sa pagsusuri at pag-aaral ang sex ay isa sa pinakamahalagang factor para sa isang masaya at pangmatagalang pagsasama kaya dapat hindi man madalas ay mapunan ang pangangailangang ito. Magawan ng paraan, ika nga. May limitasyon o hangganan ang pagkahilig ng isang tao sa sex lalo na sa kababaihan, darating ang panahon (sa ayaw man o sa gusto) na mawawala ang gana nito sa sex kaya't hangga't maari at hangga't kaya pa ng ating katawan ay mapagbigyan ang pangangailang seksuwal ng ating katawan dahil hindi natin alam baka bukas o sa isang araw ay mawala na ang desire natin para dito.

May pagkakataon na "Anglibog ay matatalo ng Antok" pero sana minsan mapaglabanan at mapagwagian natin ito; hindi ba't mas masarap at mas mahimbing ang pagtulog pagkatapos ng ilang minutong "pagmamahalan"? At sa mga kalalakihan darating din ang panahon na mukha na lang ang sa atin ay magagalit at balahibo na lang ang sa atin ay tatayo kaya dapat at sigurado tayo na ang kasama natin sa buhay sa ating pagtanda ay ang taong mahal na mahal natin, dahil pag-ibig pa rin ang magbubuklod sa atin hanggang kamatayan; hindi ang magandang mukha, hindi ang kinis ng kutis, hindi ang sex. Kundi PAG-IBIG.
Pag-ibig ang dahilan kung bakit tayo nabuhay sana ito rin ang kasama natin sa ating paghimlay.

"Masarap ang sex. Masarap ang pag-ibig. Pero mas masarap ito kung sila'y magkasama ring nag-niniig dahil ang sarap ng pag-ibig ay higit pa sa sarap ng sex."
Viewing all 240 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>